Responsive Ad

15-anyos nalunod matapos sisirin cellphone para sa pabuyang P1,000

15-anyos nalunod matapos sisirin cellphone para sa pabuyang P1,000
Stock photo

ISANG 15-anyos na lalaki ang nasawi nang malunod habang hinahanap ang nawawalang cellphone na may pabuyang P1,000.

Naganap ang insidente sa Hagnaya Port, San Remigio sa Cebu kung saan plano raw sanang mangisda ng biktima kasama ang tatlo niyang mga kaibigan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, biglang may lumapit sa apat na kabataan na isang lalaking nasa 23-taong gulang na sinasabing apprentice sa isang pampasaherong barko. 

Sinabihan umano sila nito kung pwede nilang sisirin ang karagatan para hanapin ang nalaglag niyang cellphone. 

Ang pangako umano ng naturang lalaki ay magbibigay siya ng reward na P1,000 kapag narekober ang kanyang nahulog na cellphone.

Baka Bet Mo: CIDG ibinandera ang ‘wanted’ poster ni Atong Ang, P10-M pabuya may kondisyon

Ngunit makalipas ang ilang minuto, hindi na nakita ng kanyang mga kaibigan ang biktima matapos silang sumisid.

Mabilis na inireport ng mga kaibigan ng binatilyo sa mga otoridad ang nangyari kaya naman agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG). 

Kasunod nito, nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng teenager nitong nagdaang August 24 nang umaga sa ilalim ng ramp ng Hagnaya Port.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaking nag-alok ng reward.

The post 15-anyos nalunod matapos sisirin cellphone para sa pabuyang P1,000 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments