Responsive Ad

Archie Alemania nawalan ng trabaho sa showbiz matapos kasuhan ni Rita Daniela

Archie Alemania nawalan ng trabaho sa showbiz matapos kasuhan ni Rita Daniela
Rita Daniela at Archie Alemania

NAWALAN ng trabaho at karaketan ang aktor na si Archie Alemania nang dahil sa kasong isinampa laban sa kanya ni Rita Daniela.

Inamin ni Archie na totoong nawalan siya ng showbiz career mula nang sumabog ang balitang minanyak umano niya ang Kapuso actress-singer.

Sinampahan ni Rita si Archie ng kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code at nahatulan siyang “guilty” sa resolusyong inilabas ng Bacoor Municipal Trial Court noong October, 2025.

Patuloy pa ring dinidinig ang kaso sa Cavite Regional Trial Court matapos umapela si Archie na naninindigang never niyang hinaras o minanyak si Rita.

Sa panayam ng content creator na si Ogie Diaz para sa YouTube channel nito, natanong niya si Archie ng, “Would you consider na big blow sa career mo, kung bakit biglang tumamlay ang career mo pagkatapos ng isyu sa inyo ni Rita Daniela?”

“Oo naman,” tugon ni Archie. “Siyempre naman. Simula nang mangyari ‘yun, ‘yung isyu na ‘yon, wala na akong taping. Wala na akong trabaho. So total stop lahat. Until now.”

Pagpapatuloy ng aktor, “May isang direktor na kumukuha sa akin sa isang network, sa GMA, at ang sabi ng direktor e, ang sabi raw ng staff e may kaso pa raw ako.”

Baka Bet Mo: Rita Daniela goodbye Sparkle, lumipat na sa Viva; biglang napaiyak sa presscon 

Hindi pa raw niya sinusubukang magparamdam o magprisinta ng kanyang sarili sa ibang network para sa mga bagong trabaho. 

Sa ngayon, nagtatrabaho siya sa CICC o Cybercrime Investigation and Coordinating Center, isang sangay ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

The post Archie Alemania nawalan ng trabaho sa showbiz matapos kasuhan ni Rita Daniela appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments