Responsive Ad

Noli de Castro hindi pa retired, magbabalik-TV kapag fully recovered na

Noli de Castro hindi pa retired, magbabalik-TV kapag fully recovered na
PHOTO: Facebook/Kabayan Noli de Castro

HINDI pa pala tuluyang nagpapaalam sa telebisyon si veteran broadcaster Noli de Castro.

Ayon kay ABS-CBN head of news Francis Toral na iniulat ng INQUIRER, hindi pa opisyal na retired si Noli at nananatili pa rin siyang naka-medical leave matapos sumailalim sa operasyon noong nakaraang taon.

“Kabayan Noli de Castro remains on medical leave following his surgery last year, but he looks forward to returning once he is fully recovered,” sey niya.

Sa ngayon, sina Alvin Elchico, Karen Davila, at Bernadette Sembrano muna ang patuloy na bumubuo sa anchor team ng news program na TV Patrol. 

Baka Bet Mo: Kat de Castro sinigurong maayos ang lagay ni Noli de Castro: Dad’s okay

Ayon kay Toral, nakatutok din ang iba pang senior journalists ng ABS-CBN sa mga balita at special coverage.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, humingi ng panalangin ang anak ni Noli na si Katherine para sa kanyang ama na nakatakdang sumailalim sa operasyon dahil sa isang hindi ibinahaging karamdaman.

Noong Hulyo naman, ipinagdiwang ng beteranong broadcaster ang kanyang ika-77 kaarawan.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na kinailangang pansamantalang lumiban ni Noli sa kanyang mga programa.

Noong huling bahagi ng 2024, nag-leave siya sa kanyang mga programa sa telebisyon at radyo dahil sa komplikasyon dulot ng sciatica, ayon sa kanyang anak.

Sandali siyang nakabalik sa pagho-host noong 2025, pero muli rin siyang napahinga dahil sa mga usaping pangkalusugan.

Kamakailan, nabanggit mismo ni Karen Davila sa “TV Patrol” na makababalik na si Noli sa programa.

Gayunman, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa ABS-CBN kung kailan eksaktong muling mapapanood si Kabayan sa kanilang primetime newscast.

The post Noli de Castro hindi pa retired, magbabalik-TV kapag fully recovered na appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments