Responsive Ad

Ninoy Aquino Day: LRT-1 adjusted ang biyahe; number coding suspendido

Ninoy Aquino Day: LRT-1 adjusted ang biyahe; number coding suspendido
INQUIRER file photo

ABISO sa mga pasahero at motorista bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day ngayong Biyernes, August 21!

Inanusnyo ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang adjusted operating hours nito para sa naturang special non-working holiday.

Ayon sa LRT-1, mananatiling bukas ang biyahe ngunit bahagyang ia-adjust ang oras ng una at huling tren.

Baka Bet Mo: Disney On Ice magpapasabog ng saya sa Manila, Cebu ngayong holiday season!

First train:

  • Dr. Santos Station – 5:00 a.m.
  • Fernando Poe Jr. (FPJ) Station – 5:00 a.m.

Last train:

  • Dr. Santos Station – 9:30 p.m.
  • FPJ Station – 9:45 p.m.

Kaya kung sasakay ng tren sa gabi, mas mabuting agahan ang biyahe para hindi maabutan ng huling tren.

Samantala, may good news naman para sa mga motorista.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang expanded number coding scheme sa Biyernes, August 21, dahil special non-working holiday ang Ninoy Aquino Day.

Paliwanag ng MMDA, “automatically suspended” ang number coding scheme kapag regular o special non-working holiday.

Gayunman, pinaalalahanan pa rin ang mga motorista na mag-ingat sa kalsada at sumunod sa mga batas trapiko.

Ang Ninoy Aquino Day ay ginugunita taon-taon bilang pag-alala sa pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

The post Ninoy Aquino Day: LRT-1 adjusted ang biyahe; number coding suspendido appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments