Mikee Quintos bet nang makipag-date, pero hindi pa ready magmahal uli?!

SA ngayon, mas pinipili muna mi Mikee Quintos na mahalin ang sarili kaysa madaliin ang pagkakaroon ng bagong pag-ibig.
Sa ulat ng “Chika Minute” ng 24 Oras, inamin ng Kapuso actress na mas ine-enjoy niya ngayon ang pagiging single dahil mas marami siyang oras para sa sarili.
“Totoo ‘yung mga sinasabi ng tao, when you’re single, you have more time to love yourself and I hope anyone in a relationship and my plan also when I get back into one, ‘di magbago ‘yung part na ‘yun. Kaya habang single pa, pina-practice ko na siya,” sey niya.
Halos isang taon na ring single si Mikee, pero nilinaw niyang wala pa siya sa puntong handa na siyang pumasok sa panibagong relasyon.
Baka Bet Mo: Mikee Quintos never magbibigay ng second chance sa lalaking cheater
Gayunman, aminado siyang bukas na siyang makipag-date at kilalanin ang ibang tao.
“Hindi pa, hindi pa. But I’m ready to date. I think I’m ready to date. I’m ready to try to open up again,” wika niya.
Matatandaang noong nakaraang taon, kinumpirma ni Mikee ang hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Paul Salas matapos ang halos limang taong relasyon.
Bagama’t hindi na siya nagbahagi ng maraming detalye tungkol sa naging dahilan ng kanilang breakup, sinabi niyang naging maayos ang kanilang paghihiwalay at nananatili ang respeto nila sa isa’t isa.
Nilinaw rin ng dalawa na walang third party na involved sa kanilang breakup.
The post Mikee Quintos bet nang makipag-date, pero hindi pa ready magmahal uli?! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments