Mika Salamanca 2 beses niloko ng jowa: Du’n sa bestfriend tsaka sa ex niya!!!

NI-REVEAL ng Kapuso actress na si Mika Salamanca na dalawang beses siyang nabiktima ng lalaking cheater.
Inilantad ng dalaga ang naging experience niya sa manlolokong dyowa sa grand mediacon ng bago niyang pelikula, ang “Saving Cherry” mula sa Regal Entertainment.
Ito’y pinagbibidahan ng award-winning Kapuso star na si Barbie Forteza with Khalil Ramos, Mikee Quintos, Sassa Gurl, AC Bonifacio at JC Alcantara, mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.
Sa isang bahagi ng presscon, ay natanong ang cast members kung naniniwala ba sila sa second chance, lalo na kung may involved na cheating.
Diretsahang sagot ni Mika, “No! No talaga. Kasi, kapag nag-cheat talagang may lamat na, e.
“Hindi mo na maibabalik yung tiwala. And magsa-suffer lang yung relationship. So, it’s a big NO!” sabi ng aktres.
Next question, ano naman ang craziest thing na nagawa nila pagdating sa pag-ibig?
“When I love kasi, I love hard. And one crazy thing I did for love is yung iniwan ko…I surrendered my green card for (that person).
Baka Bet Mo: Mika Salamanca umaray sa Meralco bill: Ang sakit sa puso!
“And yung isa pa, siguro I stayed din kahit nag-cheat siya ng dalawang beses! Du’n sa bestfriend niya tsaka du’n sa ex niya!!!” ang napasigaw na rebelasyon ni Mika.
Sa ngayon ay hindi pa lantarang umaamin si Mika kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila ng kapwa Sparkle artist at rumored boyfriend na si Will Ashley.
Sa tanong kung ano na talaga ang status nila ng The 9th EDDYS Best Supporting Actor (for Bar Boys: After School), “You mean, the real score? I would say it’s high! Actually, our relationship is getting deeper.
“I’m getting to know him better in the passing of days. You know, Will is someone who’s very consistent with me after PBB. Until now, he’s very consistent in pursuing me. On my part, I’m strongly considering what with all the efforts he’s been exerting,” aniya.
“We’re very, very close at this point. He’s been consistently pursuing me, and I appreciate it so much. Let’s see in the coming days,” sey ni Mika.
Samantala, sa panayam ng YouLOL, natanong ang “Delivery Boi” stars, “Mas okay ba ang ‘True love waits’ o ‘Strike while the iron is hot’?”
Tugon ni Mika, “True love waits. Everything that’s burning will burn fast. Everything that’s hot burns fast. Parang ganoon.”
Agree naman si Will sa choice ni Mika dahil naniniwala siya sa pagdating ng tamang panahon sa larangan ng pag-ibig.
“Feeling ko talaga ‘di dapat minamadali ang love, e. Dapat love waits. Kumbaga, perfect timing. Darating at darating ‘yan para sa iyo,” ani Will.
The post Mika Salamanca 2 beses niloko ng jowa: Du’n sa bestfriend tsaka sa ex niya!!! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments