Responsive Ad

Mag-amang hindi nagkita ng 20 taon, nagkrus ang landas sa loob ng bus

Mag-amang hindi nagkita ng 20 taon, nagkrus ang landas sa loob ng bus
Photos: Screengrab from Jinky Partolan Facebook

TALBOG ang mga madadramang eksena sa pelikula at teleserye sa hindi inaasahang pagkikita ng mag-ama makalipas ang 20 taon.

Maraming na-touch at naluha sa viral na kuwento ng 20-anyos na  dalagang si Jinky Partolan, tungkol sa pagkukrus ng landas nila ng kanyang tatay sa loob ng pampasaherong bus. 

Sa Facebook at TikTok, nag-post si Jinky ng video kung saan makikita nga ang madamdaming reunion nilang mag-ama makalipas ang dalawang dekada. Naganap ito noong July 27, 2026.

Ang mababasa sa video post ni Jinky, “After 20 years, I never expected that I would see my papa for the first time inside the bus.”

Ayon sa dalaga, six months pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang parents, “Kaya lumaki akong walang nakasamang ama.” 

Nagkaroon naman daw sila ng komunikasyong mag-ama last year 2025, via online chat at video call, “Umiiyak pa ako nun kasi first time kong makausap si Papa.”

“Nagpaplano pa siyang pumunta sa bahay BUT hindi talaga sumasangayon ang panahon, nagkaron ng problem na naglead samin para hindi na ulit magkaron ng contact (very personal reason).

Baka Bet Mo: ‘May iba’t ibang level ang epek ng good vibes’

“‘Yung planong pagkikita namin is hindi na natuloy at sobra akong nasaktan don,” aniya.

Pagpapatuloy ni Jinky, “May maganda palang mangyayari, may ibang way pala para magkita kaming dalawa na wala sa plano, at coincidence lang lahat, na para bang nakatadhana talaga na magkita kaming dalawa sa araw na iyan.”

At nangyari ang unexpected na reunion ng magtatay nang pauwi na sila ng kanyang boyfriend galing sa Cavite, “Sumakay kami ng bus papunta pitx niyan… Nasa bus kami ng bf ko, ako tulog at nakasandal sa balikat niya.

Hanggang sa maisipan ni Jinky na kunin ang kanyang headset para makinig ng music, “Imbis na headset ang hahanapin at kukunin ko, hindi ko inaasahan na makikita ko ang papa ko sa bus.

“Nakita ko siya paalis na siya sa kinauupuan niya at nakaharap banda sa amin. May kinakausap siyang babae dahil papaupuin niya ‘to don sa pwesto niya.

“Bumulong ako agad sa bf ko at sinabi kong, ‘papa ko ‘yun ha?’ Hindi pa ako nakontento at napatingin ulit sa kung saan nakatayo si papa.

“Naghahalong kaba, tuwa, at pagkasabik ang nararamdaman ko nung nasigurado kong hindi ako namamalikmata.

“Tinawag ko siya, sabi ko, ‘papa’ hindi siya tumingin agad sakin, kaya para mapukaw ko ang atensyon niya, inangat ko ‘yung braso ko at tinapat sa kaniya sabay hawi at bigkas ng ‘papaaaa’.

“Napatingin siya sa akin, nagkatitigan kami ng mga 5 seconds, habang nakatitig ako sa kaniya hindi ko na namalayan na namumuo na ‘yung mga luha ko at unting-unti siyang pumapatak, bago ko sabihin ang salitang ‘Ako ‘to, si jinky’ sabay turo ng kamay ko sa sarili ko,” pagpapatuloy ng dalaga.

“Alam ninyo ‘yung feeling na tumigil mundo ko? Nawalan ka ng pakealam sa paligid at nakafocus ka lang sa taong gustong gusto mong mayakap at makausap. Ganon ‘yung naramdaman ko.”

Ang reaksiyon naman daw kanyang tatay, “Napatanong na lang siya sakin ng, ‘ikaw ‘yan? Anak? Ikaw ba talaga ‘yan?’ Nung narinig ko ‘yan para akong naging bata, sabi ko pa, ‘papaaaaa ako ‘tooo, ako ‘too’ habang umiiyak.”

“Sinabi ni papa sa mga tao na first time lang namin magkita sa personal.

“‘Yung mga tao na nasa bandang gilid namin ng bf ko na nakatayo is nag adjust at nagpunta sa harapan para si papa is makalapit sakin. Pagkalapit na pagkalapit niya is agad niya akong niyakap, ganon din ang ginawa ko.

“Saglit man kami nagkita at nagkausap ni papa dahil kailangan na niyang makababa sa bus is sobrang saya ko pa rin dahil nakasama ko siya kahit sa unting oras lang.

“Pinagtagpo Mo kaming dalawa sa hindi inaasahan.

“ILOVEYOUPAPA! Nawa’y magkita na tayo ulit at makapagbonding na, ingat ka palagi! Mahal na mahal kitaaaaaa!” ang mensahe ni Jinky sa ama.

Samantala, nag-share si Jinky ng update sa after ng mala-teleseryeng pagkikita nila ng ama sa pamamagitan uli ng FB.

“Simula nun is nagkaroon na ulit kami ng chance ni papa magkaron ng contact dahil kinuha ko ang phone number nya, nagca-call lang kami sa una through cellphone number and kagabi is nagulat ako na nagchat siya gamit ang fb account niya. Syempre, dali dali akong nag reply!

“Then, nagyaya siya na mag video call kaming dalawa tapos nun is sinagot ko, nung sinagot ko na ‘yung call is chikahan na kami kaagad about nga sa nangyari sa bus, ‘yung unexpected na nagkita kami.

“I’m so happy na nakita ko na si papa! And hoping magkaron kami ng marami pang bonding together.”

The post Mag-amang hindi nagkita ng 20 taon, nagkrus ang landas sa loob ng bus appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments