Responsive Ad

Boom Labrusca sa informal settlers: Alisin sa gilid-gilid ng ilog mga ‘yan

Boom Labrusca sa informal settlers: Alisin sa gilid-gilid ng ilog mga 'yan
Boom Labrusca

NAGBIGAY ng ilang matapang na suggestion ang aktor na si Boom Labrusca kung paano masosolusyunan ang problema sa malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit probinsya.

Ni-repost ng mister ng aktres na si Desiree del Valle sa Facebook ang litrato ng isang ilog na punumpuno ng basura matapos ang ilang araw na pag-ulan at matinding pagbaha dulot ng magkasunod na bagyo at habagat.

Naniniwala si Boom na ang isa sa posibleng solusyon sa problemang ito ay ang pagpapaalis sa mga informal settler na nakatira sa gilid ng mga daluyan ng tubig.

“Pasintabi po…Hanggat ang mga Informal settlers ay hahayaan nyo dyan sa tabi-tabi walang mangyayari, alisin nyo po sa ilog sa gilid-gilid ng dagat ang mga iyan,” simulang pagbabahagi ng aktor.

Bukod dito, kailangan daw ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa ilegal na pagtatapon ng basura, kabilang na ang mas mabigat na parusa.

“Tapos taasan nyo pa kungdi mataas gawing kulong ang pagtatapon ng basura.

“Yung mga taga-Marikina nagawa nila, inunti-unti nila, nagtulong-tulong, naumpisahan ng magandang programa ni Bayani na maging malinis muna ang kapaligiran, sinunod ng mga tao dahil sila din ang napeperwisyo,” ang katwiran pa ng aktor.

Kailangan daw ang pagtutungan ng mga mamamayan at ng panahalaan sa pagpapatupad ng mas maayos at mas epektibong waste management.

Baka Bet Mo: Boom Labrusca tinawag na ‘halfie’ si Sen. Alan Cayetano

“Dapat ang tao magkaroon na ng malasakit di yung puro negosyo at pagkakakitaan ng lokal… yes po ito po ay problema ng lokal na Pamahalaan ng Barangay nyo,” sey ni Boom.

Kasunod nito, binengga rin ng aktor ang mga balahurang residente na patuloy na nagtatapon ng basura kung saan-saan, lalo na raw ang mga squatter.

“Di porket nakatira ka sa squatter ay maging ugaling squatter ka. Yung mga basurang yan kanino po ba galing yan?

“Batang 90s knows…Ang basurang tinapon mo babalik din sa’yo,” ang paalala pa ng tatay ng hunk actor na si Tony Labrusca.

Pagpapatuloy ni Boom, “Anung silbi ng flood Control kung ganyan yung basurang tinapon nyo?

“Pwede naman po kasing maging maayos yung buhay ng di ka baboy sa kapaligiran … di naman porket nasa squater ka ay squating din ugali mo,” aniya pa.

Narito ang mga reaksiyon ng netizens sa mga hugot ni Boom.

“Minsan Kahit anong ayos ng protector kung yung mga Tao mismo ayaw makipag tulungan wala din silbe.”

“Sobrang dami kasi nang Iskwater sa Pasay, Manila at Paran̈aque alaga ng mga Politiko yang mga yan. BOTANTE nila mga yan para tuloy-tuloy sila sa pwesto.”

“Thanks for your advise and input Ton.. From pque here particular brgy baclaran.. Ure right.. Nasa tao na talaga ang disiplina. Hinde ata uso sa kanila ang salitang KALINISAN… cheerz.”

“Wala talagang Disiplina ang karamihan sa mga Pilipino tsk.”

“Tama po ,Ang mga tao walang takot dahil d napaparusahan mag tapon Ng Kani kanilang basura sa tamang lagayan,Panay reklamo sa gobyerno pero sarili nila d magawang desiplinahin.”

“Disiplina ang kailangan!!”

“Tama ubusin ang mga dugyot na ‘yan.”

“Yep . Mostly sa informal settlers yan Galing.”

The post Boom Labrusca sa informal settlers: Alisin sa gilid-gilid ng ilog mga ‘yan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments