Responsive Ad

Jeremiah Rosales nag-construction worker sa Bicol, hindi pinabayaan ni Echo

Jeremiah Rosales nag-construction worker sa Bicol, hindi pinabayaan ni Echo

NAGING construction worker sa Bicol ang kapatid ni Jericho Rosales na si Jeremiah Rosales nang umuwi ito doon para magtago noong Hunyo 25.

Base sa kuwento ng nakababatang kapatid ng aktor kay Julius Babao sa “Unplugged “vlog ay napilitan siyang umuwi ng Bicol dahil iniwasan niyang ibalik siya sa rehabilitation center kung saan mananatili siya ng tatlong taon na hindi makikita ang pamilya dahil bawal siyang dalawin roon.

Pagdating ng Bicol ay tumuloy si Jeremiah sa kanyang stepmother kung saan may mga kapatid siya. Dahil nahihiya siyang maging pabigat ay nagtanong siya kung puwede siyang ipasok at sabi ng pinsan niya ay nangangailangan ng laborer na ang suweldo ay 560 kapag pumasok siya ng alas sais ng umaga.

“Nag-ready po ako ng 6AM, Minday nag work po ako as labor (laborer) sabi sa akin hindi ako magpa-pala tambay lang ako pero pagdating ko nag pala ako ng buhangin, buhat ng semento,” nakangiting kuwento niya kay Julius.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kapatid ni Jericho natagpuan na; umiwas sa rehab

Balik-tanong ng host ay hindi ba naiilang ang mga kasamahan ni Jeremiah dahil kilala siyang artista.

“Yun nga Kuya, e, natatakot silang (utusan ako). Sabi ko ‘wag n’yo akong ganyanin baka mawalan ako ng payroll hindi ako bayaran ni Madam. 

“May contractor po ‘yun at ang ginagawa namin ay ‘yung house ng generator, P560 po ako a day,” paglalarawan ni Jeremiah kung ano ang ginagawa nila sabay pakita ng video na naghahalo ng semento na inilalagay sa hollow blocks.

Lunes nang magsimulang magtrabaho si Jeremiah at pagdating daw ng Miyerkoles ay naka-bale na siya ng isang libo.

“First pera ko sa Bikol (at) sarap ng pakiramdam pinagpaguran ko ‘yun, eh.  Binayaran ko kaagad ‘yung utang ko sa tita ko, bumili ako ng speaker ‘yung Bluetooth ‘yung tig-500 para meron akong ginagawa kung saan ako tumutuloy. May nagpahiram sa akin ng cellphone,” kuwento ng kapatid ni Echo.

Hindi raw alam ni Jeremiah ang mga balitang naglabasan na pinost siyang missing ng nanay ng mga anak niyang si Jhen Go dahil nagbilin siyang ayaw muna niyang makabalita ng negatibo dahil magulo pa ang utang niya.

“Iniisip ko sila (pamilya) kungg paano sila nabubuhay dahil wala ako.  E, doon (Bikol) sarili ko lang ang kaya kong buhayin dahil sa liit ng nakukuha kong pera.  Kuya 560 gasino lang,” balik-tanaw ni Nuki (palayaw nito).

Pero may pinsan siyang nagpakita na missing person na siya kaya nagulat si Jeremiah at nagbihis kaagad.

“Tapos naglakad-lakad lang ako, hindi ko alam bakit ako naglakad papuntang Baao, isang city ‘yun. Pagdating ko na Baao may kakilala ako na tagaroon sa amin (Bula), sabi ko ‘Pre ibalik mo ako sa amin parang hinangin ‘yung isip ko.

“Pagbalik ko ng bahay may itlog at tuyo nagbaga ako ng kahoy, nagluto ako at kumain ako at doon ako nahimasmasan and after that ligo ulit ako sabi ko (isip) alis ako dito kasi iniisip ko baka merong order na (kunin siya at ibalik sa rehab).

“’Yung trauma ko at parang may narinig pa akong hearsay na doon na lang ako ire-rehab sa Bicol kaya ang ginagawa ko jumping ako pa ganu’n-ganu’n (muwestrang lipat-lipat).

“Pero nu’ng nabalitaan kong alam na ni Kuya (Jericho) sabi niya sa uncle ko na, ‘diyan na lang muna siya at wala akong ibibigay kahit na ano, ‘yun pala meron,” kuwento ni Jeremiah.

Nagpapadala ng pang-allowance na pambili ng pangangailangan ni Jeremiah ang kuya Jing (palayaw ni Echo) niya na huli na nitong nalaman.

“Hinahatiran po ako ng pagkain ko sa tinitirhan ko at hiyang-hiya ako. May nagbigay pa sa akin ng tsinelas, wala akong sapatos kuya (Julius).

“Nu’ng nalaman ni kuya (Echo) na nandoon ako nakampante na ako kasi kung naka-post na nawawala pa rin ako may chance na ibabalik ako (rehab) at doon na ako nag decide na babaguhin ko na ang sarili ko, babalikan ko na ang pamilya ko at aayusin ko na ang buhay ko.

“Saka nakita ko ‘yung buhay doon (Bicol) kuya, grabe kawawa ang mga tao ang hirap ng pera.

“Doon ako humugot.  May mga simpleng pamilya na eager sila sa 400 hundred pesos ang hirap.  Sabi ko (sa sarili), kailangan ko ng mabago ang mindset ko hindi ‘yung puro sarili ko lang ang ang iniisip ko, (dapar) pamilya ko hindi lang puro ako kaya sabi ko uwi na ako makikipagbati na ako asawa ko, liligawan ko ang asawa ko ‘yun ang pinaghugutan ko.

“Saka ang hirap ng buhay ko do’n kuya isipin mo construction worker ako, grabe kuya,”emosyonal na kuwento ni Jeremiah sabay punas ng mga mata.

Nagsabi naman si Julius na respeto para sa construction workers dahil sa sinabi ni Jeremiah na ang hirap ng ganu’ng trabaho.

“First day kuya (pagpasok bilang laborer) mayabang pa ako at saka second (day), third day nilalagnat na ako kasi gutom ako ng gabi tapos pumasok ako ng umaga at nahiya akong humingi kasi wala pa akong sahod.

“Pumasok ako alas diyes ng umaga tawag sa akin Kapoy (pagod).  Sabi ko sa pinsan ko hindi ko kaya, half-day lang ako tapos umatake pa ‘yung acid ko, nag gerd pa kasi wala (laman ang tiyan).  Ginawa ko kumain ako ng saging tapos nag softdrinks ako lalong lumala ‘yung acid (reflux).

“Hindi ko na kaya ngayong 40 na ako mabigat nagbubuhat ako ng buhangin kaya saludo ako sa mga construction workers,” naiiyak pa ring kuwento ni Jeremiah.

At dahil sa naranasang ito ay kaagad na siyang nagpaalam ng maayos sa mga pinsan at tita (stepmom) niya dahil babalik na siya ng Manila at nakipagbati sa pamilya niya.

“Kung naghihirap ako, mas may naghihirap pa, may kanya-kanya tayong krus na pinagdadaanan kaya gumawa ng tama at harapin ang buhay,” natutunan ni Jeremiah sa paglayo niya ng isang buwan.

The post Jeremiah Rosales nag-construction worker sa Bicol, hindi pinabayaan ni Echo appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments