Responsive Ad

Dimples Romana sa isyu kina Angel, Kathryn, Bea: Parang nahihimatay na ‘ko! 

Dimples Romana sa isyu kina Angel, Kathryn, Bea: Parang nahihimatay na 'ko! 
Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo at Dimples Romana

“KINUYOG” ng mga miyembro ng entertainment press si Dimples Romana para tanungin tungkol sa malalapit na kaibigan niya sa showbiz.

Si Dimples ang nagsilbing host sa naganap na “Tara, Kapatid” mediacon ng TV5 na ginanap sa MVP Studios noong Huwebes, August 6.

Bukod sa teleseryeng “Someone, Someday” nina Kathryn Bernardo at James Reid, na napapanood na rin sa TV5 bukod sa Netflix at iba’t ibang platforms ng ABS-CBN, mapapanood din si Dimples sa morning show na “Frontline Umaga” na dating “Gud Morning Kapatid.”

Kasama ni Dimples sa naturang programa sina Ed Lingao, Angela Lagunzad-Castro, Maoui David, Chiqui Roa-Puno, Alvin Pura, at Dr. Richard Gadiaza.

Pagkatapos ng “Tara Kapatid” event ay nakorner ng press si Dimples para usisain hinggil sa buhay-buhay ng malalapit niyang celebrity friends.

Ilan nga sa mga naitanong sa kanya ay ang tungkol sa isyu ng BFF niyang si Angel Locsin at Sen. Robin Padilla pati na ang lovelife ng co-star niya sa “Someone, Someday” na si Kathryn.

“Guys, parang nahihimatay na po ako! Naku! Parang nahihimatay na po ako. Oh, my God! Guys, ito na nga po ako. Palabas na si Daniela Mondragon,” ang natatawang chika ni Dimples. 

Baka Bet Mo: Dimples Romana walang tampo kay Bea Alonzo kahit hindi invited sa wedding

Ang tinutukoy niyang Daniela Mondragon ay ang pinasikat niyang character sa ABS-CBN series na “Kadenang Ginto.”

Pagpapatuloy ng aktres, “Ako po ay bising-busy magtrabaho at mag-alaga ng mga bata. Even if I have any comment, I don’t think I’ll be able to do so.”

Aniya pa, “In my career naman po, parang hindi rin ako kilalang magbigay ng opinyon sa kahit na anong pinagdadaanan ng aking mga kaibigan.

“I don’t think I wanna change that,” sey pa ng aktres.

Sa tanong kung nakilala na ba niya ang rumored boyfriend ni Kathryn na si Lucena City Mayor Mark Alcala, sey ni Dimples, “Alam n’yo po, gusto ko talaga kayong sagutin, but if you have any questions for me, I will very well answer.

“But if it’s about my friends, baka it’s best that you hear it from them,” saad ng aktres.

May message ba siya para kina kina Kathryn at Mark? “I’m so excited for Someone, Someday it is showing on TV5. Si James (Reid) nandu’n,”  pag-iwas na sagot ni Dimples.

“I really wish I could answer. I wanna answer, but I won’t do that to any of my friends,” tila nakikiusap na sabi ng aktres.

Nauna nang naisulat dito sa BANDERA ni Reggee Bonoan ang naging tugon ni Dimples tungkol sa pagpapakasal ng isa pa niyang BFF na si Bea Alonzo kay Vincent Co.

Iwas na iwas ang aktres sa tanong sa kanya ng press about Bea’s wedding at nakiusap na huwag na siyang tanungin tungkol sa mga isyu ng kaibigan niya.

“In all that kasi, I’m just very fortunate to be the friend who’s always around. Being able to witness all the milestones in her life.

“So, I wouldn’t be a good friend if I answer any of those questions. So, patawad, pasensiya na. But if there’s anything I wanted you to know is that my whole family are really rejoicing in the joys of my friends.

“And that goes not only for Bea, but for Angel, but for many of my friends na hanggang ngayon ay kaibigan ko pa. Imagine, ang tagal na natin sa industriyang ito, but to be able to say we are still friends….

“From when we were 16, 20s, until now that we are 40s, that’s the best blessing for us,” sabi ng aktres.

Nag-uusap pa rin daw sila ni Bea, “Definitely, we always talk. Hindi naman kami naputol mag-usap. Parang may ano lang, may thinking na hindi kami nakapag-usap o hindi namin nasabi sa isa’t isa.

“But I will assure that from my end, hindi naman naputol yung communication namin. And I think that is the most special part about our friendship,” ani Dimples.

The post Dimples Romana sa isyu kina Angel, Kathryn, Bea: Parang nahihimatay na ‘ko!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments