Alvin Aragon binira mga hindi nagsisimba dahil sa ulan, baha

NAGPATUTSADA ang aktor na si Alvin Aragon sa mga taong hindi raw nagsisimba nang dahil lamang sa ulan.
Binira ni Alvin ang lahat ng mga mananampalataya na mas pinipiling manatili sa bahay kesa magtungo sa simbahan para magsimba kapag masama ang panahon at malakas ang pag-ulan.
Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post ang asawa ng dating member ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona ngayong araw, August 9, tungkol sa naturang usapin.
Ayon kay Alvin, hindi raw sapat na dahilan ang malakas na ulan o masamang panahon para talikuran ang araw ng pangingilin o pagpunta sa simbahan para magsimba.
Baka Bet Mo: Alvin Aragon inisa-isa mga kasalanan: I committed sexual immorality
“Ulan lang di kana nag church! Nung panahon nila Pedro pag lumabas ka at nalaman Christian ka papatayin ka. Ma offend kana kung maoofend ka!” ang simulang pahayag ni Alvin.
Pagpapatuloy pa niya, “Pag komportable gusto mo sa Diyos. Pag hindi na Easily kaya mo siya iechapwera.
“’Pag pera wala kang pakeeleman kahit may bagyo! ‘Pag kasalanan wala kang pake kahit bumabaha na! Pag tungkol sa Diyos… madaling i cancel! Aray ko sayo!”
Sa huli nag-share rin siya ng isang Bible verse upang ipagdiinan ang kanyang punto.
“Let us not neglect meeting together, as some have made a habit, but let us encourage one another, and all the more as you see the Day approaching. Hebrew 10:25,” sey ni Alvin Aragon.
The post Alvin Aragon binira mga hindi nagsisimba dahil sa ulan, baha appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments