Sushmita Sen inisnab daw si Miss Universe India 2026 Kaziah Liz?!

INAAKUSAHAN ngayon ng mga bashers si Miss Universe 1994 Sushmita Sen ng pang-iisnab umano sa kinoronahang Miss Universe India 2026.
Batay sa isang kumalat na video sa social media, at sa reaksyon ng mga nakapanood nito, dinedma-dedma raw ni Sushmita si Miss Universe India 2026 Kaziah Liz Mejo.
Mas pinaboran umano ng dating Miss Universe si Miss India International 2026 Vaishnavi Ganesh na kitang-kita raw sa ikinilos nito sa stage.
Si Sushmita ay isa sa mga judge sa naganap na grand coronation ng Miss Universe India 2026, sa Jaipur, Rajasthan, India, nitong nagdaang Linggo, August 23.
Sa napanood naming video clip, makikita ang former beauty queen na umakyat sa stage pero sa halip na batiin si Kaziah Liz, ang agad niyang nilapitan at chinika ay si first runner-up at Miss India International 2026 Vaishnavi Ganesh.
At in fairness, talagang inayos pa niya ang korona ni Ganesh kaya naman kanya-kanya nang interpretasyon ang mga nakapanood ng video.
Pero kapansin-pansin na mas marami ang nagalit at nambengga kay Sushmita sa social media at inakusahan siya ng pang-iisnab sa nagwaging Miss Universe 2026 at may favoritism din daw.
Baka Bet Mo: Sushmita Sen hiwalay na sa kanyang live-in partner
Matatandaang nakilala at napalapit si Sushmita sa puso ng mga Pilipino matapos mapagwagian ang titulo at korona sa 43rd Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong May 21,1994.
Siya rin ang kauna-unahang Indian na nanalong Miss Universe.
Tumatak din sa mga pageant fans ang kanyang winning answer sa Q&A portion ng Miss Universe 1994, kung saan ang tanong ay, “What for you is the essence of being a woman?”
Sagot ni Sushmita, “Being a woman by itself is a gift of God which all of us must appreciate. The origin of a child is a mother, and is a woman. A woman is the one who shares love and shows a man what sharing, caring, and loving is all about. That is the essence of a woman.”
The post Sushmita Sen inisnab daw si Miss Universe India 2026 Kaziah Liz?! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments