Alex Gonzaga malapit nang manganak: ‘Please pray for us!’

MALAPIT nang ma-meet ng mag-asawang Alex Gonzaga at Lipa Vice Mayor Mikee Morada ang kanilang first baby!
Sa pamamagitan ng Instagram Broadcast Channel, may update si Alex sa huling yugto ng kanyang pregnancy journey.
“This is preggy life sa final stretch,” bungad niya.
Ayon pa sa TV host, hindi naging madali ang mga huling linggo ng kanyang pagbubuntis: “Always having a hard time to sleep at night and always hungry.”
Baka Bet Mo: Alex Gonzaga hinihinalang buntis na: ‘Thank you Jesus for this life…’
“But love and will miss every part of this,” pag-amin naman niya.
Nag-upload din si Alex ng video kung saan ipinakita niya ang kanyang malaking baby bump at tiniyak sa kanyang fans na hindi niya sila nakakalimutan kahit hindi siya masyadong active sa social media.
“Update ko lang kayo. This is my bump. We’re on our last stretch. Please pray for us!” aniya sa naturang video.

As of this writing, hindi pa ibinubunyag ng mag-asawa kung kailan ang eksaktong due date ng panganganak ni Alex.
Matatandaang ikinasal si Alex kay Mikee noong 2020.
Nitong Mayo lamang nang inanunsyo nila sa madlang pipol na magkaka-baby na sila!
Bago ang kasalukuyang pagbubuntis, tatlong beses ding nakaranas ng pregnancy loss si Alex noong 2021, 2023, at 2024.
The post Alex Gonzaga malapit nang manganak: ‘Please pray for us!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments