Sarah Lahbati ipinagtanggol ng netizens kay Xian Gaza: Anong pake mo?!

MARAMI ang to the rescue para depensahan ang aktres na si Sarah Lahbati laban sa self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza.
Ito ay may kinalaman sa recent pa-blind item ng social media personality tungkol sa isang babae na nagtitingin ng bahay sa Paris para sa kanyang imahe ngunit sa totoong buhay ay napabayaan nitong magpabaon sa anak na nag-aaral.
Eh recently lang nang lumabas si Sarah sa isang episode sa Netflix series kung saan naghahanap siya ng kanyang Parisian home na tumutugma sa hanash ni Xian.
Chika pa ni Xian, “Ni wala ngang pang-travel yan eh. Ultimo pambayad ng kuryente pinapangutang pa niya, daang milyones na Parisian property pa kaya?”
Baka Bet Mo: SANA ALL! Sarah Lahbati planong bumili ng P348-M apartment sa Paris
Sa Reddit, isang netizen ang nagbahagi ng screenshot ng post ni Xian at makikita sa comment section na may mga nagtatanggol kay Sarah.
“Lagi naman ang sisi sa Nanay pero sa Tatay wala masabi kahit may kabit. Huwag kayo papayag mga mommies na pagsalitaan kayo ng ganyan ng mga LALAKI! Si Xian Gaza mismo hindi mabait na asawa at tatay sa mga anak niya,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Not a die hard fan of Sarah L pero grabe ever since na nag hiwalay sila ni Richard, puro paninira kay Sarah tong si XG. XG & B are friends, tapos may upcoming Netflix show si S so maybe pinapabaho nila image ni Sarah and aside from that may memes pa about “may croissant na si RG pero mas pinili ang pan de regla” something like that. baka na offend si B. Pero kakainis, Nanay nanaman ang palaging may pagkukulang sa mga taong perpekto pero sa Tatay na groomer at nang iwan tahimik lang kayo. Gigil niyo ako.”
“Anong pake mo ba? Puro ka na lang paninira sa mga tao akala mo naman ang perfect ng buhay mo,” sey ng isa.
Dagdag pa ng isa, “Ako din. Ewan ko kung hormones ba to pero naiyak ako nung nabasa ko post ni Xian. Hahaha oa diba? Pero di ko na alam ano gusto nila kay Sarah?? Nung di sya nagwowork, winawaldas daw pera ni Richard, ngayon naman na nakakakuha ng gig, iba nanaman issue.”
Samantala, tila unbothered naman ang aktres dahil nag-post pa ito ng mga larawan sa social media na may caption na: “Still cute.”
The post Sarah Lahbati ipinagtanggol ng netizens kay Xian Gaza: Anong pake mo?! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments