Responsive Ad

Kuryente sa Luzon may taas-singil; bahagyang baba sa Visayas, Mindanao

Kuryente sa Luzon may taas-singil; bahagyang baba sa Visayas, Mindanao

HABANG may good news sa presyo ng ilang bilihin, tila kabaligtaran naman ang nangyari sa singil sa kuryente.

Aasahan kasi ang dagdag-singil sa Luzon ngayong Abril!

Batay sa datos ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP,) sumirit ng 52.5% ang presyo sa spot market. 

Mula sa P2.69 kada kilowatt-hour (kWh) noong nakaraang buwan, pumalo ito sa P4.10 kada kWh ngayong buwan.

Baka Bet Mo: Walang taas-presyo sa basic goods hanggang April 30 –DTI

Halimbawa, ang isang pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay magbabayad ng P820 ngayong Abril.

Ibig sabihin niyan, nadagdagan ng P282 ang buwanang bayarin, kaya ramdam talaga ang bigat nito sa bulsa ng mga konsyumer!

Sakop ng pagtaas ang billing period mula February 26 hanggang March 25, na makikita sa April bills ng mga konsyumer.

“[The increase was] brought about by a slight decrease in the overall system supply and an increase in the system demand,” paliwanag ng IEMOP corporate planning and communication manager na si Arjon Valencia.

Samantala, may bahagyang ginhawa naman sa ibang bahagi ng bansa.

Sa Visayas, bumaba ang presyo ng kuryente, mula P5.37 ay naging P5.08 kada kWh.

Pinakamalaki naman ang ibinaba sa Mindanao, mula P5.25 ay naging P4.43 kada kWh.

Sa kabuuan, tumaas pa rin ng 23% ang average electricity spot price sa buong bansa, na umabot sa P4.31 kada kWh mula sa P3.50 noong nakaraang buwan.

Sa gitna ng pagtaas, paalala sa mga konsyumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.

The post Kuryente sa Luzon may taas-singil; bahagyang baba sa Visayas, Mindanao appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments