Fyang Smith grateful sa bashers: Love you guys! Bring it on!
MAS natuto na ang magka-loveteam na sina JM Ibarra at Fyang Smith sa pagharap sa kanegahan at pagiging toxic ng social media.
Mula nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya bilang “Pinoy Big Brother Gen 11” housemates noong 2024, ay masasabing marami na rin silang pinagdaanan sa mundo ng showbiz.
Hindi rin kasi sila pinatawad ng mga bashers at haters sa social media, lalo na yung ayaw at hindi boto sa kanilang tambalan. Kung anu-anong pambebengga ang ibinabato sa kanila ng netizens.
Sa panayam ng “Hot Takes”, napag-usapan nga ang tungkol sa toxicity sa socmed kung saan halos lahat ng mga celebrities ay nakakatikim ng panlalait at pang-ookray.
Sabi ni JM, “Ako, hindi naman ako masyadong naaapektuhan, kumbaga, nauuga lang kapag tumataliwas na ‘yung bashing at tumataliwas na sa akin. Nadadamay na ‘yung mga tao sa paligid ko na hindi naman sila ‘yung nasa industriya. ‘Yun ‘yung medyo alarming.”
Sey naman ni Fyang, “Ako mas hindi na ako active sa social media. Hindi na ako super tulad ng dati na every day ‘yung mga ginagawa ko sa buhay, pino-post Siguro ngayon, mas more on iniingatan ko na ‘yung private life ko.”
Natanong din ang Kapamilya loveteam tungkol sa cancel culture sa social media. Sabi ni JM, “Part na ‘yan ng pinasok mo na trabaho so kailangan may acceptance ka na sa ganu’n.
“’Yung mga bagay na konektado sa ginagalawan namin dito sa industriya, kung gusto naming magpahinga, nilalayo muna namin para magkaroon kami ng personal na buhay,” sabi ng aktor.
Kuwento ni Fyang, isa sa paborito nilang bonding moment ni JM kapag wala silang mga ganap ay ang hiking. Kamakailan ay sabay nilang inakyat ang Mt. Pulag at Mt. Pinatubo.
“To the point na mapapaisip na lang kami everytime na nandoon kami sa space na ‘yon na ‘sarap ng ganito ‘no?’” ani Fyang.
“Hindi mo iintindihin ‘yung mga fans na nag-aaway,” ani JM.
“As an artist, parang walang point kung magsasalita ka pa kasi kung mag-explain ka man sa part na ‘yan, after nu’n meron na naman eh,” aniya pa.
Para naman kay Fyang, hindi naman daw lahat ng nangyayari sa personal nilang buhay ay kailangang malaman ng madlang pipol.
“Hindi mo kailangan mag-explain sa ganu’ng klase ng tao kasi alam mo naman sa sarili mo kung ano ‘yung ginawa mo at alam ng mga nakapaligid sa ’yo kung ano ‘yung totoo, so hindi kailangan ng explanation,” sey ng aktres.
“Hindi naman nila ako kilala outside the camera. Doon lang naman sila magaling eh, mag-bash, doon lang sila magaling. Pero grateful ako sa mga bashers ko. Love you guys, bring it on!” aniya pa.
Samantala, bibida na nga ang magka-loveteam sa pelikulang “Almost Us”, ang bonggang collaboration ng Regal Entertainment at Project 8 Projects, na mapapanood na sa mga sinehan simula May 6, 2026.
The post Fyang Smith grateful sa bashers: Love you guys! Bring it on! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments