Eagle Riggs naloka sa nagkalat na gamit na condom sa Puerto Galera: Jurassic!
SHOOKT ang TV host-comedian na si Eagle Riggs sa nagkalat na gamit nang condom sa isang lugar sa Puerto Galera.
Ipinost ng komedyante sa social media ang mga litrato kung saan makikita ang ginamit na condoms at lubricants, pati na ang mga pakete nito.
Obviously, hindi na-dispose nang maayos ang mga ginamit na condom na iba-iba pa ang brands at flavor base sa mga pakete nito.
Mababasa sa caption na isinulat ni Eagle sa kanyang Facebook post, “Mga acla dapat clean as you go!” Nilagyan pa niya ito ng hashtag na “#jurassic.”
Narito ang naging reaksiyon ng mga netizens sa post ni Eagle na karamihan ay nandiri at nabastusan sa mga gumamit at nagtapon ng mga condom sa isang area ng Puerto Galera.
“Hays nakatipid na nga po sa HOTEL sana naman po ay inilaGAy sa SELEPEN at itinapon sa basurahan.”
“Balahura mga bkla dyan sa PG kaya di ko bet dyan.. Tansuan labanan hehehe.”
“Ano ba yan! Dapat nilalagay sa bulsa ang basura.”
“Hay nko mga acla nga naman makapag paraos lng kht Kalat di na kaya intindihin.dapat Kasi sinasara na ung Jurassic na yan Jan sa white beach.ang alam ko may bantay Jan eh.”
“Being responsible isn’t selective. Responsibility shouldn’t stop at safe sex; it should extend for the environment too.”
“Grabe naman! Wag mag iwan ng ebidensya Kalat mo linisin mo hahahaha!”
The post Eagle Riggs naloka sa nagkalat na gamit na condom sa Puerto Galera: Jurassic! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments