Responsive Ad

Korina, Karen nilinaw ang ‘away’ umano; umamin sa hamon ng socmed era

Korina, Karen nilinaw ang ‘away’ umano; umamin sa hamon ng socmed era
Korina Sanchez, Karen Davila

“LAHAT ngayon pwedeng maging newscaster, hindi na tayo pwedeng magyabang!” 

Ito ang pabirong sinabi ni Korina Sanchez-Roxas kay Karen Davila sa panayam ng huli sa vlog nitong “Korina Interviews” sa NET25 na napapanood sa YouTube channel.

Dagdag pa niya, “Dati kami lang ‘yun! Kami lang ‘yun talaga, pinapanood ng lahat, aba ngayon, lahat na pwede nang maging newscaster mas magaganda pa sila sa amin!”

Nabanggit kasi ni Karen na hindi lang sila dapat manatili sa platform kung saan sila nakilala.

Sambit niya, “Let’s face it Korina you’re still young, I’m still young even if I don’t mean it literally pero in the industry we have many more years to go, so, dapat you have other adaptability there has to be humility on everyone in the industry because the landscape has changed. Social media has equalized everything, ‘di ba?”

Baka Bet Mo: Korina Sanchez bumanat: Kailangang may resibo ka bago ka magsalita!

Sina Korina at Karen ay parehong nagsama sa TV Patrol news program ng ABS-CBN pero nag-leave ang una dahil nag-aral siya ng kanyang masteral sa Journalism taong 2015 kaya matagal na panahong hindi siya napanood.

Umugong ang balitang tinanggal siya sa nasabing news program dahil umano sa mga komento niya noon kay Anderson Cooper at iba pang bagay na hindi totoo, pero tuluyan na rin siyang hindi nakabalik sa TV Patrol ng 2016 dahil kumandidato ang kanyang asawang si dating Senador Mar Roxas sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Hindi pinalad si Ginoong Mar Roxas sa kanyang pagtakbo at si Korina ay muling bumalik sa ABS-CBN noong 2023 bilang co-producer ng sariling programang “Rated Korina,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, All TV, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Bukod sa Kapamilya Channel ay may sariling programa rin si Korina sa NET25, ang “Korina Interviews” at ang daily talk show nitong “Face to Face with Ate Koring” sa TV5.

At ang klinaro nang dalawang sikat na newscaster ay ang isyung magkagalit sila kaya nang malaman daw ng production people na lalabas sa “Korina Interviews” si Karen ay nagulat sila.

Kaya tinanong ni Korina kung anong sagot ni Karen sa isyung ito na hindi mamatay-matay.

“Ang feeling ko because work wise parang it’s such a competitive environment where we used to work, so, parang they would always pit people against each other perhaps it would be let’s say after Korina nandiyan si Karen.

“You know napakahirap din ‘yun for any woman kasi you feel either may hinahabol ka or hinahabol ka,” opinyon ni Karen.

“Yeah, but they’re designing the race, it’s everybody else,” tugon ni Korina.

At dito inamin ni Karen na nasayang ang panahong hindi niya nakilala nang husto si Korina noong nasa ABS-CBN pa siya.

“I’ll be honest, of course you were very busy but I feel it was a lost opportunity, I think for me or for both of us, I wish I got to know you then, we never got to do that,” saad ni Karen.

Sagot naman ni Korina, “Never got to do that I think una, sobrang busy iba-iba ang schedule natin. It’s not like nakakahuntahan ko ng madalas si Bernadette (Sembrano) or even Loren (Legarda). Talagang nakakausap ko lang si Ted (Failon) kasi siya ‘yung partner ko (TV Patrol).  Tapos naunahan pa ng (isyung) naku ang pumalit kay Korina si Karen, so, baka galit si Korina kay Karen, actually hindi, ah.

“Desisyon ng management ‘yun nu’ng pinalitan mo ako sa TV Patrol and there was nothing and remember when Mar ran, I even invited you kaya wala talaga ‘yun kasi desisyon yan ng mga boss namin ng mga panahon na ‘yun, e, hayan naunahan na ng mga intriga dito, intriga roon tapos hindi pa tayo magtagpo sa schedule.”

Inamin din ni Karen na hindi nga sila magkakilala pa ng husto ni Korina bukod pa sa hindi rin sila sabay nagsimula sa ABS-CBN noon.

Samantala, sa panahon ng social media ngayon sabi ni Korina, “Kanya-kanyang gimik, ‘yan na lang ang tawag namin ngayon, tingin mo ba ang TV talagang nawawala na ‘yan?  That’s what they say, TV is on its way out, do you agree?”

“I think viewing habits have definitely changed in many parts of the world na talagang ang internet is everywhere costs very little kaya talagang they really watch online,” opinyon ni Karen.

Dagdag pa, “Although TV kasi a part of viewing if you wanna watch the news if you’re home, you watch TV but then also shows online.”

Kaya ang sabi ni Korina, “Kaya I’m everywhere now, and I’m on Tiktok pero hindi ako sumasayaw, nagtatanong (lang) ako, tatlong tanong lang tapos iti-tiktok ko ‘yun.”

Aminadong napapagod silang dalawa dahil kailangan lagi silang updated, creative sa mga nangyayari ngayon para hindi sila maging “has been.”

Sey nga ni Karen,  “To be has been is only because you don’t want to move forward.”

Kaagad itong sinang-ayunan ni Korina, “I believe that at gusto ko last interview natin ay 100 years old ako at ikaw ang i-interbyuhin ko ibig sabihin 95 (years) ka no’n.”

Sabay tawanan nang dalawa na ibig sabihin ay kailangan nilang manatili pa sa ganu’n edad dahil mga bata pa ang mga anak nina Korina at ginoong Mar na sina Pepe at Pilar samantalang kailangan ding manatili pa ni Karen para may katuwang ang asawang si DJ Sta. Ana para sa anak nilang si David na may special needs.

The post Korina, Karen nilinaw ang ‘away’ umano; umamin sa hamon ng socmed era appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments