Responsive Ad

BINI parang lalaban sa boxing, magpapasabog sa Coachella 2026

BINI parang lalaban sa boxing, magpapasabog sa Coachella 2026

PUSPUSAN ang ginagawang pag-eensanyo ng tinaguriang Nation’s Girl Group ng Pilipinas na BINI para sa kanilang kauna-unahang performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026.

Sa katunayan, inamin ng walong miyembro na sina Jhoanna, Sheena, Aiah, Mikha, Colet, Gwen, Maloi, at Stacey na all out ang ibibigay nilang energy para sa kanilang matagal nang pangarap na international performance at hindi bibiguin ang mga fans at supporters.

Sa isang tweet na ibinahagi ng leader ng BINI na si Jhoanna Robles, hindi niya mapiligilan ang nararamdaman habang papalapit nang papalapit ang kanilang performance.

“Parang sasabog yung puso ko kapag ‘di ko nalabas ‘to HAHAHAHA grabe nao-overwhelm ako. Na para bang lalaban ng boxing ang mga atecco,” panimula ni Jhoanna.

Baka Bet Mo: SB19 Stell, BINI Jhoanna, Skusta Clee bumida sa tribute video na ‘Pangalan’

Pagpapatuloy ng leader ng BINI, “Kidding aside, maraminggggg salamaaaat po sa lahat ng nagpaparamdam ng support and love nila for BINI. Kinakabahan kaming girls pero mas lamang talaga excitement. 

“We’ll do our best tomorrow!!! Pilipinas mag-ingayyy!!! “

Labis rin ang saya at kilig na naramdaman ng BINI matapos nilang makita ang kanilang billboard para sa Coachella sa I-10 Freeway na regalo sa kanila ng Team Bloom USA.

Makikita sa video na ibinahagi ni MJ Felipe ang tilian at hindi mapigilang ang mga ngiti ng BINI nang madaanan nila ang naturang billboard.

Makikita rin ang nagtatatalong si Maloi habang ang ibag BINI members ay abala sa pag-video at pag-document ng kanilang memories sa unang pagkakasali bilang performing artists sa Coachella.

The post BINI parang lalaban sa boxing, magpapasabog sa Coachella 2026 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments