Heart Evangelista sa pagtanda ng ina: Iyak talaga ako nang iyak kasi…
HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang inang si Cecilia Ongpauco.
Nakasama ng global fashion icon ang kanyang nanay nang rumampa siya sa fashion week sa Paris at Milan kung saan napakarami raw niyang naging realizations.
Inamin ni Heart na napakalaki ng naitulong ni Mrs. Ongpauco noong meron siyang pinagdaraanan at nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili.
“Mommy ko, of course, you know my mom. She was my original ‘momager.’ And I was really going through something in my life.
“I lost my confidence. And ‘yun nga, nalulunod ako sa mga naririnig ko,” ang pahayag ng aktres sa muli niyang pagbisita sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
“But the thing is, I couldn’t work. And I’m there to work. So I really need my mom to talagang ‘Anak, gawin mo ‘to.’
“So talagang siya ‘yung (nag-schedule), ‘Kailangan mo itong gawin, you have to do this, focus.’ To remind me of my worth. And it worked,” saad ng aktres.
Muli raw siyang pinatatag at pinatapang ng ina, “Kasi, ‘di ba ang nanay, o ang magulang, ‘pag sinabi sa ’yo, lalaki kang bobo. ‘Pag sinabi ng nanay mo, ‘Kayang gawin mong lahat,’ magagawa mo talaga lahat,” ani Heart.
Natutuwa at nagpapasalamat naman daw siya kay Lord dahil super nag-enjoy si Mrs. Ongpauco nang maimbitahan sa mga showrooms sa Paris Fashion Week, “Nahabol namin ‘yung moment. Kasi, iba talaga ang magulang.”
Ni-reveal din ni Heart na may mga pagkakataong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng pagdating sa kanyang career.
“Dragon kasi ‘yung mommy ko, eh. Pero ‘yun kasi ‘yung way niya ng pagmamahal. And looking back, I understand.
“I may not have given life to the children I have, but I really understand how a mother will do everything to protect her daughter. Pero now that I’ve gotten older, she is me and I am her,” saad niya.
Sana raw ay mabigyan pa sila ng chance ng ina ng marami pang taon together lalo na ang mag-travel abroad.
“Dati kasi maliksi siya, ngayon nakita ko na hirap na siya. So hindi ko talaga ma-imagine na bakit siya nahihirapan maglakad? Bakit siya napapagod? ‘Di ba hindi siya ganu’n?
“So there was a time na muta ako sa bahay. Iyak talaga akong iyak kasi na-realize ko na tumatanda na siya,” sabi pa ng fashion icon.
Naiyak na si Heart nang magbigay ng message sa kanyang ina, “Siguro, thank you for loving me so much. Makikipagpatayan talaga siya para sa akin kasi siya talaga ‘yung nakakaalam ng puso ko kasi galing sa kaniya ‘yun, eh.
“So thank you dahil as years go by, hindi niya nakalimutan kung sino ako. And salamat kasi hindi ko talaga mararating ‘yung narating ko ngayon kung hindi dahil sa kaniya kasi kahit ganu’n ka-tough siya sa akin nu’n, ang laki ng inayos ng buhay ko
“Kahit ano nangyari sa akin, ang laki ng decision making ko, siya lahat ‘yun eh.
“And the character na akala ko na wala sa akin na pagiging matapang, siya rin pala ‘yun, pumasok din pala sa akin Tito Boy. So I’m so blessed. We’re all so blessed to have mothers, parents.
“Kaya kung malayo tayo sa mga magulang, it’s not worth whatever success. money. Time is not… it’s priceless talaga, it’s priceless,” ang sabi pa ni Heart.
The post Heart Evangelista sa pagtanda ng ina: Iyak talaga ako nang iyak kasi… appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments