Angelica walang pagsisisi sa showbiz comeback: ‘Worth it talaga siya!’
WORTH it ang comeback ng batikang aktres na si Angelica Panganiban-Homan makalipas ang ilang taong nagpahinga sa showbiz.
Sa kanyang panayam sa programang “Oh My Gan,” proud sinabi ng first time mom na “worth it” ang pagbabalik niya sa industriya, lalo na’t sabay-sabay niyang ginagampanan ang pagiging nanay, misis, at artista!
“Well, naging busy since ginawa ko yung ‘UnMarry’ mid of last year of 2025. Nagdire-diretso na siya hanggang nag-promote kami noong Pasko. So it’s a working holiday for me. And then right after that, sinimula namin yung ‘Silent Noise.’ Kaya medyo walang break,” kwento niya.
Kahit sunod-sunod ang raket, aminado si Angelica na super saya niya sa pagbabalik-arte matapos ang mag-focus sa pamilya.
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban: Magiging parte ka ng mali kapag hindi ka nakisali sa tama
“Of course, I’m very happy dahil matagal-tagal naman din ‘yung pahinga ko. Kaya nung nakabalik ng work… lagi lang akong excited,” sambit pa niya sa interview.
Pero nilinaw niya na hindi biro ang pagbabalik niya sa spotlight, lalo na’t first time niyang magtrabaho bilang isang ganap na ina.
In fact, sinubukan pa niya ang sarili sa teatro sa pamamagitan ng “Virgin Lab Fest” noong nakaraang taon.
“Yes. Siguro kaya ko talaga kinonsider mag-theater. Gumawa ako ng ‘Virgin Lab Fest’ noong June of last year kasi gusto kong subukan kung kaya ko pa ba,” saad niya.
Aminado rin si Angge na naranasan niya ang tinatawag na “mom brain,” na naging dahilan ng kanyang pangamba kung kaya pa ba niyang kabisaduhin ang mga linya.
“Nung naging mom ako, parang ang dami ko laging nakakalimutan. Parang ako laging lutang. May mom brain. Parang ang foggy mo lang,” paliwanag niya.
Patuloy pa ng celebrity mom, “And then, nung ginawa ko yung ‘UnMarry,’ nung ginawa ko ‘tong ‘Silent Noise,’ kahit papano, hindi na ganun kagrabe ‘yung kaba ko. Dahil, parang it’s like riding a bike.”
Ngayon, mas empowered na raw si Angelica sa dami ng roles na ginagampanan niya sa totoong buhay.
“Magical. Parang nakakatuwa na ipakita na ito ‘yung kapasidad ng isang babae. Kaya mo lahat. Kaya mong gawin lahat,” pagbabahagi niya tungkol sa pagiging nanay, misis, at aktres nang sabay-sabay.
Ibinunyag din ng aktres na mas maingat na siya ngayon sa pagpili ng proyekto.
“Kung gusto mong balikan ‘yun, kung gusto mong bumalik dun sa darkness ng life mo, gusto mong worth it. Hindi ‘yung parang mapapaisip ka, umuwi ka ng bahay na parang may kulang dun sa naramdaman mo,” paliwanag niya.
Sa katunayan, ang tahimik at fulfilled na buhay niya ngayon ang nagsisilbing standard sa kanyang mga desisyon.
“Kasi ang sarap na ng buhay na meron ako ngayon. Fulfilling na siya eh. Fulfilling ‘yung buhay bilang isang nanay for me,” saad niya.
“So para magulo niya ‘yung buhay mo,’ yung balance na meron ako, gusto ko worth it talaga siya. Gusto ko uwi ako ng bahay na busog din ako,” diin niya.
Sa ngayon, mapapanood si Angelica sa “The Silent Noise,” na ayon sa kanya ay isa sa pinaka-challenging at pinaka-rewarding na proyekto niya sa kanyang showbiz career.
The post Angelica walang pagsisisi sa showbiz comeback: ‘Worth it talaga siya!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments