Franki Russell nagsalita na sa naging ‘relasyon’ daw nila ni Sandro Marcos
“SHOCKED and hurt” ang beauty queen at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Franki Russell sa naging isyu sa kanila ni Presidential Son Sandro Marcos.
Mariing itinanggi ni Franki na siya ang dahilan ng breakup ng aktres na si Alexa Miro at Sandro tulad ng naging rebelasyon ni Alexa sa TikTok livestream nito noong 2025.
Nakausap ng ilang miyembro ng showbiz media si Franki sa presscon ng bago niyang project, ang Viva Movie Box series “Fake Socialite.”
“That never happened. It is not true. I met him before but in circles. We have mutual friends.
“But the reason she broke up was ridiculous. I have not seem the guy in years. Nothing more than friends,” ang paglilinas ng dating PBB housemate.
Aniya pa, “What she said was completely untrue. What she spoke of was an encounter that happened three years ago.
“But she failed to mention the timeline, which I thought was a super slap in the face.
“You say you came out if a relationship of five years but the scenario I saw you was in 2023? How does that even make sense,” chika pa niya.
Pambebengga pa ni Franki kay Alexa, “I think his ex was on a live stream, sounded lasing maybe. Saying things. I was shocked and I felt sad, you were not a girl’s girl.
“You encouraged tearing down another woman when the facts were not right. I do not know her apart from that situation,” dagdag ng dalaga.
Nilinaw din niya ang tungkol sa kanila ni Enrique Gil matapos lumabas ang mga litrato nila na kuna sa Bohol last year.
“That was a group trip actually. I had my friend there and he had friends. There was a point in time we were getting together I guess. But we realized we are better off as friends.
“It is so hard to date in Manila and in the showbiz industry. I am not looking for anyone at the moment,” ani Franki na single na single raw ngayon at naka-focus muna sa kanyang career.
Samantala, panoorin ang pinakabagong drama mini-serye sa Viva Movie Box. Isang kuwento ng karangyaan, kapangyarihan, at ng tunay na kahulugan ng yaman.
Abangan sina Cindy Miranda, Franki Russell, Priscilla Meirelles, at Joko Diaz sa nakakalokang kuwento ng “The Fake Socialite.”
Mula sa direksyon ni Gino Santos, ang “The Fake Socialite” ay tungkol kay Mikay, isang assistant ng isang kilalang socialite stylist. Dahil sa kanyang trabaho, alam ni Mikay ang bawat sikreto at baho ng elite fashion circle.
Isang beses nang muli siyang ipahiya ng kanyang boss na si Shaila at ng mga sosyal nitong kaibigan gaya ni Amies, naisipan ni Mikay na gumanti at hindi na magpa-api.
Gamit ang mga natutuhan niya at ang mga koneksiyong nabuo sa kanyang trabaho, makakahanap si Mikay ng paraan upang mahigitan ang dati niyang mapagmataas na boss at ang mga kaibigan nito.
Makakatulong pa lalo sa pag-angat niya ang pagkakakilala kay Agot, isang socialite na handang tumulong kay Mikay.
Tuluyan na nga kaya ang kanyang pagsikat? O ang biglaan niyang pag-angat ang magiging dahilan din ng kanyang pagbagsak?
Panoorin ang The Fake Socialite sa Viva Movie Box. Para i-stream ang The Fake Socialite, mag-download ng Viva Movie Box app sa Google Play Store, App Store, o Huawei App Gallery.
The post Franki Russell nagsalita na sa naging ‘relasyon’ daw nila ni Sandro Marcos appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments