Sunshine Garcia nilayasan ka-date na naka-turtleneck: Tara na, walang leeg!
NAKAKALOKA ang mga rebelasyon ng original SexBomb Girls na sina Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan tungkol sa pakikipag-date noong kabataan nila.
Isa sa mga inalala ni Sunshine ay ang kanyang pagkakamali noon sa paggamit ng salitang “bullseye” sa halip na “eyeball” sa pakikipagkita sa kanyang ka-date, kung saan nakasama rin niya si Mia.
Napagchikahan nila ito sa online talkshow na “Your Honor” hosted by Buboy Villar and Chariz Solomon nang mapag-usapan ang mga unforgettable experience nila sa pakikipag-date.
“‘Di ba kapag single ka, may makikipag-date sa, ‘yo. Eh ‘yung makikipag-date sa ‘kin, taga-Alabang.
“Ngayon, sabi ko sa kanya (Mia), ayokong makipag-date nang walang kasama. Hindi namin ginagawa ‘yun eh, ‘yung ikaw lang mag-isa, aalis. Lagi kami may kasama,” aniya pa.
“So, kasama ko siya (Mia), nu’ng sinabi ko sa kanya, ‘Uy makikipag-bullseye ako.’ ‘Anong bullseye?’ Sabi ko ‘yung makikipag-date ka,” kuwento pa ni Sunshine.
Sey ni Mia, nagalit pa raw si Sunshine na hindi niya alam ang meaning nito.
“Nasa coffee shop kami, galit pa siya sa ‘kin. Sabi, ‘Ito naman, bullseye, ‘di mo alam?’ Kasalanan ko?” ang laugh nang laugh na sabi ni Mia.
Inulit ni Mia kay Sunshine na “eyeball” ang gusto nitong sabihin at hindi bullseye.
“Tapos siyempre nag-loading siya (nag-drawing ng kilos ng naglo-loading sa screen). Google. ‘Ay oo, eyeball,’” chika pa ni Mia nang ma-realize ni Sunshine na mali siya.
Natuloy pa rin naman daw ang date ni Sunshine pero hindi niya nataypan ang guy dahil sa suot nito.
“Ito na, makikipagkita na, pagtingin ko, ay, naka-turtleneck. Sabi ko talaga, ‘Tara na, walang leeg,’” sey ni Sunshine.
Chika ni Mia sa kaibigan, “Hayop ka, walang leeg. Nag-turtleneck ‘yung ide-date mo. Umuwi na tayo ‘Day. Sayang ang bayad sa taxi rito, hayop ka!”
“Wala, inuwian namin talaga,” ang natatawang hirit ni Sunshine.
Samantala, inamin din ni Sunshine na kinailangan pa niyang lumaklak ng alak para makausap ang naka-date na foreigner.
“Kunwari, may isang nanligaw sa akin, foreigner, talagang English. ‘Pag nasa bar kami, kunwari, hindi ko kinakausap, hinahayaan ko sila makipag-usap. ‘Kausapin mo naman, kausapin mo.’ Hindi ko talaga kinakausap,” pag-alala niya.
“Nu’ng lasing na ako, saka ko kinausap. Ang reason ko, mali man ako, okay lang ‘yun kasi lasing na ako,” chika pa niya.
Ngpapaturo rin daw si Sunshine ng English sa kaibigan kapag may kausap siyang foreigner sa phone.
“Sabi niya nga sa akin (foreigner), ‘Bakit ‘pag sa phone, kausap kita. Okay ka naman, nag-i-English ka.’ Hindi niya alam kasi, naka-loudspeaker siya.
“Tapos ‘yung isang kaibigan, binubulong sa akin. ‘Okay, okay. I’ll see you later. Oh, you be careful, okay?’
“Pero nu’ng harap-harapan na, nakaganu’n talaga ako (silent lang). Hindi ako nagsasalita,” sey pa ni Sunshine.
The post Sunshine Garcia nilayasan ka-date na naka-turtleneck: Tara na, walang leeg! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments