Responsive Ad

Kitkat nakipagbardagulan sa brother-in-law dahil sa expired na pasalubong

Kitkat nakipagbardagulan sa brother-in-law dahil sa expired na pasalubong
Jeremy Favia at Kitkat

NAKIPAGSAGUTAN sa social media ang singer-comedienne na si Kitkat sa brother-in-law niyang si Chef Jeremy Favia.

May konek ito sa ipinost ng komedyana sa kanyang Instagram Story patungkol sa mga pasalubong na natanggap nila mula sa China.

Mababasa sa post ni Kitkat, “So may pasalubong kami. from china (daw) nung isang araw binigay… pagkita ko ngayon Dec 2025 ang expiration!

“Huy! Baka nakakalimutan mo may baby kami, kadugo mo.. ano ba yan!!!!

“Pag translate ko sa rokid ai glasses ko (pang-translate) eto sabi: 00-expired na siya.

“Ang nakasulat sa baba ay: 2025/12/26.

“Sa ganitong format ng Chinese packaging, ito na ang expiry / best before date). Ibig sabihin: Valid hanggang December 26, 2025

“Lampas na tayo sa date na yan, kaya expired na siya ngayon,” ang kabuuang IG post ng singer at TV host.

Hindi minention ni Kitkat sa kanyang post kung sino ang pinatatamaan niya pero sinagot siya ni Chef Jeremy Favia, kapatid ng mister niyang si Walby Favia sa pamamagitan ng Facebook.

Sey ni Jeremy, nanay nila ni Walby ang tinutukoy ni Kitkat na bumili umano ng pasalubong para sa apo nito.

“Pangalanan mo kasi SORAYA BAÑAS a.k.a. ‘Kitkat’.

“Nanay namin yan ni kuya Walby. Na lola ng anak mo. Sana nag fact check ka muna para makita mo na manufacturing date yan.

“LAHAT kami na nasa trip same ng binili cause that was offered by our tour guide.

“Hindi gagawa ang mama ng ikapapahamak ng apo niya. She even prioritized buying pasalubong than buying things for herself.

“Next time you jump into MINDLESS conclusions and wash your dirty laundry in public make sure to FACT CHECK and have a sound judgement.

“This is not the first time na pinahiya mo si mama. Enough is enough. You do this for clout. I do this for MAMA. Nag magandang loob na nga yung tao, napasama pa.

“Di ba eto naman yung gusto mo? Yung mapansin ka at mga posts mo? So much hate you pour out that I sincerely pity you.

“Kailangan mo umabot sa ganito para lang mapansin. Now that you got the attention, HAPPY?” ang pambabasag kay Kitkat ng kanyang brother-in-law. 

Ibinahagi rin niya ang ilang detalye na makikita sa internet, kung saan ang mga produkto raw sa China ay karaniwang may nakasulat na manufacturing date o date of production.

Kasunod nito, sinagot din Kitkat ang post ni Jeremy. Aniya, “Chinat GPT ko nga expired daw talaga kasi nga walang katabing ibang mga words.

“Pero natatawa ako sa mga hirit. Hindi ung tipong makakayanig sakin! hahaha.

“Nakakatawa nalang: Kayo pa nasestress tuloy! Haha Retokada??? Manginig ako?! E yung mismo pinagtatanggol mo di ka rin gusto! Apaka EPAL mo namn!

“RETOKADA??!!! Manginginig ako? IIYAK AKO?! Wahahahaha anong utak yan? Tawaging ‘KUPAL’ ang tatay? O edi sino lalo nawalan? Ako ba???!!!” ang palabang hirit pa ni Kitkat.

The post Kitkat nakipagbardagulan sa brother-in-law dahil sa expired na pasalubong appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments