Mark Herras problemado sa pera kaya hindi sila okay ng misis na si Nicole, true ba?
TRULILI kaya na may pinagdadaanan ang mag-asawang Mark Herras at Nicole Kim Donesa dahilan kaya may post ang una na umiiyak siya?
Trending ang crying video na ibinandera ni Mark sa kanyang Instagram account nitong February 5 na may caption na, “Kulong sa Sistema.”
Maraming nagpakita ng suporta sa aktor at mababasa iyon sa comments section na galing sa kapwa niya produkto ng reality show ng GMA 7 na “Starstruck,” katulad nina Rocco Nacino, Katrina Halili, Sheena Halili, Kris Bernal, Yasmin Kurdi, Ryza Cenon, Nadine Samonte, at ibang Kapuso stars tulad nina Sexbomb Rochelle Pangilinan, Camille Prats, Janno Gibbs, Rodjun Cruz, Mark Bautista, Carla Abellana, Jason Abalos, Ai Ai de las Alas, at marami pang iba.
Anyway, ang tsika sa amin ay, “Problemado si Mark kasi wala siyang pera, wala siyang hawak na pera ngayon, wala siyang raket kaya wala siyang mabigay sa asawa niya, ending hindi sila okay.”
Baka Bet Mo: Mark Herras proud anak ng namayapang gay parents: Matindi ang GAYDAR ko!
Matatandaang nabanggit dati ni Mark sa kainitan ng isyu nila ng singer na si Jojo Mendrez na kaya siya pumayag makipag collab ay dahil kailangan niya ng pera para may maibigay siya sa asawa dahil marami silang bayarin, kasama na ang hulog sa bahay na ipinagawa nilang mag-asawa dahil naka-mortgage ito.
Binabayaran ni Jojo si Mark noon sa bawat collaboration para sa vlog ng nasabing singer hanggang sa kalaunan ay nagkaroon na sila ng hidwaan dahil may mga violent reactions na raw ang huli kapag may ibang ka-collab ang una.
Sabi namin sa aming kausap ay mabigat ang hulog sa bahay kasi malaki, sana hindi muna nagpagawa kung walang malaking ipon at stable job para ma-sustain ang pagbabayad buwan-buwan.
“Yung magulang ng asawa ni Mark ang may gustong magpagawa sila ng bahay kaya sagot nila, ‘yung monthly bayarin na lang sagot ni Mark, e, paano?” paliwanag sa amin ng taong may alam sa isyu ng aktor.
Sa kasalukuyan ay walang panibagong post si Mark kaya walang ideya ang netizens kung ano na ang update sa kanya at wala rin kaming nabasang komento mula kay Jojo Mendrez.
The post Mark Herras problemado sa pera kaya hindi sila okay ng misis na si Nicole, true ba? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments