Responsive Ad

Angeline Quinto na-bad trip kay Yeng bago magpakasal kay Nonrev Daquina

Angeline Quinto na-bad trip kay Yeng bago magpakasal kay Nonrev Daquina
Yeng Constantino at Angeline Quinto

NAGTAMPO pala si Angeline Quinto sa kapwa Kapamilya singer-actress na si Yeng Constantino noong maganap ang kasal nila ni Nonrev Daquina.

Rebelasyon ni Angeline, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Yeng dahil hindi ito nakarating sa kanyang wedding na ginanap s Quiapo church noong 2024. 

Sa interview ng comedian-director na si Chad Kinis, ikinuwento ni Angge na si Yeng sana ang kakanta habang naglalakad siya patungo sa altar ng simbahan pero hindi nga ito natuloy. 

“Oo, nagtampo ako kay Yeng. Siya kasi dapat kakanta sa bridal march ko. Siya agad yung naisip ko nun kasi gusto ko yung song na ‘Ikaw.’ 

“So ngayon, nu’ng nag-yes si Yeng sa akin siyempre ‘Yeng, thank you’ sinabi ko yung date. Actually siya yung unang unang nakaalam na ikakasal kami ni Nonrev sa mga kaibigan ko.

“Kahit si ate Vice (Ganda), si Erik (Santos), hindi ko pa sinabihan,” pag-alala ni Anggge.

Talaga raw yun ang dream ni Angeline, ang kantahin ni Yeng ang hit song nitong “Ikaw” kapag ikinasal sila ni Nonrev.

“Tapos yun, after mga isang buwan, kung kailan malapit na yung kasal, doon siya nagsabi sa akin na hindi siya pwede kasi meron siyang commitment. So na-feel bad lang ako,” pagbabahagi pa ng Birit Queen.

“Parang siguro nagsama-sama lang yung pressure kasi ilang linggo na lang malapit na tapos biglang wala ng kakanta,” aniya pa. 

Kasunod nito, nag-collab sila ng record producer at songwriter na si Jonathan Manalo para makabuo ng original song para sa kanyang kasal.

“Kaya kami nakagawa ni sir Jonathan ng original song para sa wedding namin ni Nonrev. Kami nagsulat nu’n. Alam naman ni Yenggay yun kasi parang talaga na ano ako…oo. Mas personal, mas kami ni Sir Jonathan yung sumulat,” aniya pa.

Pero sa kabila nga ng tampuhan, mas nanaig pa rin ang friendship sa pagitan nina Angeline at Yeng at maayos na maayos pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

The post Angeline Quinto na-bad trip kay Yeng bago magpakasal kay Nonrev Daquina appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments