Mag-asawa tinangkang ibenta sariling anak para sa kwek-kwek business
ARESTADO ang mag-asawa matapos ibenta ang sarili nilang anak sa halagang P27,000 sa naganap na entrapment operation kamakailan.
Nailigtas ng mga operatiba ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center ang dalawang linggong gulang na sanggol nitong Lunes, February 2.
Nangyari ang entrapment operation sa loob ng isang mall kung saan nga nabuking ang pagbebenta ng mag-asawang suspek sa kanilang anak.
Agad na inaresto ang mga suspek nang tanggapin ang marked money na ginamit sa buy-bust operation kapalit sana ng halos bagong silang na sanggol.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, balak daw gamitin ng mag-asawa ang mapagbebentahan ng kanilang anak bilang puhunan sa pagtitinda ng fishball at kwek kwek.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, at Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ayon naman sa National Authority for Child Care (NACC), nabigyan agad ng kaukulang medical attention ang nailigtas na sanggol.
“The life of a child is invaluable and must never be used as a commodity, and certainly not be exchanged for any amount, regardless of the circumstances,” ani NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada.
“The NACC remains steadfast in upholding every child’s right to identity, and to grow up in a safe, loving and permanent family.
“No individual, or parent/s has the right to exploit a child, much less for financial gain.”
“We will ensure that this infant receives the continued care and protection she deserves from the government,” ang nakasaad naman sa social media post ng NACC.
Muling nagbigay na nagbabala ang PNP sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng sariling anak.
“Ang anak ay hindi ari-arian na anytime puwede natin ibenta. Kung gusto natin ng adoption, meron tayong dapat lapitan na ahensiya ng gobyerno. Meron tayong legal process for adoption,” pahayag ni PNP-ACG Acting Director Brig. Gen. Wilson Asueta.
The post Mag-asawa tinangkang ibenta sariling anak para sa kwek-kwek business appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments