David Licauco, Bianca Umali, EA Guzman abangers sa mas bonggang 2026 
Bianca Umali, David Licauco, EA Guzman at Shaira Diaz

SA pagpasok ng 2026, feeling thankful and grateful ang ilang Kapuso stars dahil sa mga naghihintay sa kanila na magagandang career opportunities.

Mas bonggang takbo ng career, self-love at mas mapabuti pa ang trabaho ang kanilang nilu-look forward ngayong Bagong Taon.

Sa report ng “24 Oras” narito ang goals ng mga Kapuso artists sa 2026.

BIANCA UMALI

“For 2026, kada taon po ay hindi po talaga ako nakapag-set ng goals dahil as a person, I go with the flow. I like spontaneous surprises by God. Siguro pananatilihin ko na paghirapan, na piliin pa rin maging mabuting tao araw-araw for the year of 2026.”

JAK ROBERTO

“When it comes to business, parang more on dapat talaga malakas ‘yung loob mo and maging smart ka sa lahat ng decision making. Pagdating naman sa career, of course, stay focused, especially sa pag-build ng career and sa pag-explore pa ng iba’t ibang characters.”

ROYCE CABRERA

“Mas idodoble ko pa ‘yung focus. May mga araw na down tayo. So medyo panghihinaan ka nang konti. So siguro mas lalabanan ko nang doble ‘yun sa next year.”

BEAUTY GONZALEZ

“Just continue working. And thank you, GMA for always believing in me. Ang tagal-tagal na rin. Ayaw kong umiyak pero sobrang nagpapasalamat po ako kasi sunod-sunod po ‘yung blessings na binibigyan niyo po sa akin.”

GIL CUERVA

“It’s a new chapter for me – I now have more room to give love. I don’t know where life will take me this year, but rest assured, I will keep going.”

EDGAR ALLAN GUZMAN

“Planning to have a baby. But no pressure. Kung ibibigay ni Lord, ‘di ba? Pero ‘yun talaga ang goal namin. To have a baby this coming 2026.”

DAVID LICAUCO

“Magkaroon uli ng movie and makapagpatayo na ng resort sa Siargao.”

The post David Licauco, Bianca Umali, EA Guzman, Jak abangers sa mas bonggang 2026  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed