Responsive Ad

BINI Jhoanna sumabak na sa pag-arte, may cameo sa isang 3-minute short film

BINI Jhoanna sumabak na sa pag-arte, may cameo sa isang 3-minute short film
PHOTO: Screengrab from YouTube/Puregold Channel

MAGTUTULOY kaya si BINI Jhoana Robles sa harap ng camera?

May cameo role kasi ang isa sa miyembro ng BINI sa 3-minute short film ng Puregold Sari-Sari Stories na may titulong “The Witness.”

Ipinagpapatuloy ng Puregold ang pasasalamat nito sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye ng mga Sari-Sari Stories, sa pinakabago nitong video na nagtatampok ng espesyal na cameo mula mismo kay Jhoanna ng BINI.

Ang “The Witnes”s ay isang maikling pelikula ng kwentong pag-ibig, coming of age, at ang pagyabong ng pagmamahal sa pagdaang mga taon, na hinubog ng pagmamahal at pananatili—na natunghayan ng tahimik na presensya ng may-ari ng sari-sari store.

Baka Bet Mo: BINI Jhoanna, Skusta Clee iniintriga, magka-date nga ba sa Vietnam? 

Dagdag sa ganda at koneksyon sa naratibo ang cameo ni Jhoanna, at binibigyang-diin

nito ang mensahe ng pelikula: pasasalamat sa mga may-ari ng maliliit na negosyo sa bansa.

Sinang-ayunan din ni Jhoanna ang gampanin ng mga sari-sari store sa araw-araw nating pamumuhay: “Importante na hindi mawala ang sari-sari store. Bukod sa pagiging very Pinoy, ito pa rin ang pinaka-accessible sa maraming komunidad. Iba pa rin yung may mapupuntahan kang malapit sa’yo.”

Sinusundan ng pinakabagong Sari-Sari Story ang umuusbong na pag-iibigan ng dalawang magkababata, at ang pagyabang ng munting pagmamahal sa pagdaan ng mga taon tungo sa isang tunay at tumatagal na relasyon. 

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/VucWLfCPvIk?si=lKZCEYFqXbkXVt0X" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Ipinapakita ng video ang ligaya at lungkot ng kanilang samahan, mula sa perspektiba ng may-ari ng sari-sari store na nakita ang lahat.

Kahawig ng pananaw ni Jhoanna ang damdamin ni Puregold senior marketing manager na si  Ivy Hayaga-Piedad.

“Lagi-lagi, kakampi ang Puregold ang mga maliliit na negosyante sa bansa. Sa pamamagitan ng Sari-Sari Stories, patuloy na naiaangat ang gampanin ng mga may-ari ng sari-sari store sa ating pang-araw-araw na pamumuhay,” sey niya.

Dahil sa access sa mga pangangailangan, pinagtatagpo din ng mga tindahang ito ang mga tao sa  komunidad. 

“Through Sari-Sari Stories, we continue to uphold the role sari-sari store owners play in our everyday lives. In their communities, they bring people together by providing convenience and access to daily essentials,” dagdag pa ng senior marketing manager.

Pagpapatuloy ang “The Witness” ng mahuhusay na kwento mula sa Sari-Sari Stories, gaya ng “Ways” na itinampok si Stell ng SB19, at “The Sign,” na isinama naman si Skusta Clee. 

Sa kabuuan, nagsimula ng mga usapan ang mga serye, at nakaramdam ng koneksyon sa mga kwento ang mga netizen, Aling Puring members, at tagasunod ng Puregold—patunay lamang ng mahalagang parte ng mga sari-sari store sa araw- araw na buhay ng mga Pilipino.

Habang nagpapatuloy ang serye, lalo pang nahihikayat ang mga manonood na abangan ang susunod na kwento, isang repleksyon ng integrasyon ng mga sari-sari store sa buhay ng mga tao at sa mga pinagsisilbihan nitong komunidad.

The post BINI Jhoanna sumabak na sa pag-arte, may cameo sa isang 3-minute short film appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments