Responsive Ad

Zaldy Co hindi tumatakas ayon sa legal counsel, natatakot sa mga pagbabanta

Zaldy Co naispatang papuntang Spain galing Singapore

NILINAW ng legal counsel ni dating Rep. Zaldy Co na si Atty. Ruy Rondain na hindi tumatakas ang kanyang kliyente.

Sa naganap na press conference nitong Miyerkules, November 5, ang paglipad ng kanyang kliyente papuntang ibang bansa ay dahil sa kanyang medikal na pangangailangan.

“No. Kasi remember that he [Zaldy Co] flew out for medical reasons way before this whole thing blew up,” saad ni Rondain.

Pagpapatuloy niya, “When did this blew up? After the SONA. He flew out as early as February, I think? So, hindi siya tumakbo. Let’s get that clear. Again, let’s redirect the narrative.”

Baka Bet Mo: Zaldy Co naispatang papuntang Spain galing Singapore

GIit pa ni Rondain, hindi umuuwi si Co dahil na rin sa mga natatanggap na pagbabanta umano sa kanyang buhay.

“Rep. Co would have wanted to be here himself so he can answer your questions, unfortunately, there are credible and serious threats to his life na he’s really afraid to come out at this time,” sabi pa ni Rondain.

Hindi rin daw niya alam kung nasaan ngayon ang dating kongresista.

Bukod dito, hindi niya rin alam kung nasaan si Co at hindi rin daw niya ito natanong.

“I don’t know where he is because I never asked him where he is. It’s not relevant for his defense and I never asked because I don’t want to have to lie to any of you when you ask me that question where he is,” sabi pa ng kanyang legal counsel.

Pero sa ibang mga panayam, ang huling rinig niya ay nasa Boston raw ito.

Matatandaang noong Spetember 4, 2025 nang kumpirmahin ni House Spox Princess Abante na lumipad patungong Amerika si Co para sa isang extensive health consultation.

Ilang araw makalipas ang kumpirmasyon sa kanyang pagpunta sa Amerika ay nagbitiw naman ito sa puwesto bilang kinatawan ng Ako-Bicol Party-list.

Kabilang si Zaldy Co sa mga kongresistang diumano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Curlee Discaya, isa ang dating Ako-Bicol Partylist representative sa mga opisyal na nakatanggap ng mataas na porsyento mula sa mga kontrata nila sa gobyerno.

The post Zaldy Co hindi tumatakas ayon sa legal counsel, natatakot sa mga pagbabanta appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments