Responsive Ad

Mga kandidata sa Miss Universe 2025 nag-walkout; Miss Mexico ininsulto 

Mga kandidata sa Miss Universe 2025 nag-walkout; Miss Mexico ininsulto 
Miss Mexico Fatima Bosch at ang Ilan pang kandidata sa Miss Universe 2025

NAG-WALKOUT ang ilang kandidata sa Miss Universe 2025 sa sashing ceremony na ginanap sa Thailand kahapon, November 4.

Ilang araw bago maganap ang grand coronation night ng 74th Miss Universe this year na magaganap sa Impact Challenger Hall, Nonthaburi sa Thailand ay nauwi sa tensiyon ang event.

Ito’y matapos talakan at insultuhin umano ng head ng host country organizing committee na si Nawat Itsaragrisil ang kandidata ng Mexico na si Fatima Bosch.

Dahil dito, nag-walkout si Miss Mexico na sinundan ng ilang kandidata mula sa Latin America, Asia, at Africa.

Base sa ulat, pinagalitan si Miss Mexico dahil tumanggi umano sa isang sponsor photo shoot at nag-agree lamang sa mga pre-pageant activities ng Telemundo. 

Matapos ipaliwanag ang kanyang desisyon, pinapili ni Nawat ang naturang kandidata na mag-stay o umalis, kaya nag-walkout na lamang siya. 

Isa sa lantarang kumampi kay Miss Mexico ay si reigning Miss Universe Victoria Theilvig, na nag-walk out din sa naturang sashing ceremony.

“We have respect for everyone, but this is not how things [should] be handled. To trash another girl is beyond disrespectful,” ani Theilvig sa isang panayam. 

“It’s nothing I as a girl can stand into. That’s why I’m taking my phone and I’m going,” aniya pa na maluha-luha.

Sa kumalat na video, makikitang humingi pa ng tulong si Nawat sa security pero  hindi pa rin napigilan ang paglabas ng mga kandidata sa venue.

Pero matapos daw kausapin at paliwanagan ang mga kandidata, naayos din ng Miss Universe Thailand at MUO ang issue kaya natuloy din ang sashing ceremony pero wala si Nawat.

Nangyari ang pagwo-walkout ng mga kandidata sa gitna ng issue sa pagitan ni MUO President Raul Rocha at Nawat, na may hawak ng Miss Universe Thailand franchise at founder ng Miss Grand International.

The post Mga kandidata sa Miss Universe 2025 nag-walkout; Miss Mexico ininsulto  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments