Responsive Ad

Vice Ganda suko agad sa hamon ni Ion Perez: Ayoko na! Mamamatay ako!

Vice Ganda suko agad sa ipinagawa ni Ion Perez: Ayoko na! Mamamatay ako!
Rei Anicoche Tan, Vice Ganda at Ion Perez

SA unang pagkakataon, humarap na magkasama ang mag-asawang sina Phenomenal Box-office Star Vice Ganda at Ion Perez sa members ng entertainment media.

Ito’y para sa bago nilang endorsement together na ni-launch nitong nagdaang November 17, sa Grand Ballroom ng Solaire North, EDSA, Quezon City.

Pormal na ipinakilala sina Vice at Ion sa naganap na media launch bilang latest celebrity ambassador ng Beautéderm ni Ms. Rei Anicoche Tan para sa kanilang Belle Dolls.

Ayon kay Vice, “Sobrang laking bagay ito sa amin ni Ion at sa komunidad ko (LGBTQIA+), na makitang may brand, malaking brand na tulad ng Beautederm. Na may nagtitiwala at nakakakita sa aming dalawa. Not just as individuals but as partners.

“It’s just very progressive. It’s so now, di ba? Marami dito, hindi lang yung Team Vice, kami nina Darla (Sauler), nina Jhai Ho (nagsilbing host ng event), yung mga press, di ba, na masaya para sa atin, sa komunidad natin na may nag-a-acknowledge din sa atin at this point, 2025.

“We are seen. We are being trusted. We are being validated. We are acknowledged, di ba? Not just by ourselves, pero lumalampas na sa community. 

“That our presence, our existence, our love, our relationship is being acknowledged and that’s one great win. It’s really phenomenal. Thank you very much,” ang pahayag ng TV host-comedian.

Sa pagsisimula ng Q&A, biglang humirit si Vice kay Ion ng, “Pawis na pawis na yung asawa ko! Ha-hahahaha! Stressed na stressed na siya! Ha-hahaha!” 

Natanong si Ion kung gaano kaimportante sa kanya ang self-care dahil nga healthy drinks ang ineendorso nila ni Vice. 

Ani Ion, “Kasi unang-una, nasa probinsiya pa lang ako, parang active na ako, e. Yung lahat ng ginagawa ko ngayon, yun din ang ginagawa ko dati sa probinsiya. So, ang pagiging healthcare, isa iyan sa mga priority ko sa buhay.

“Parang kadugtong na siya ng buhay ko. Na active ako. Hindi lilipas yung araw na wala akong ginagawa. And then, sa trabaho namin, siyempre kailangan pangalagaan yung pangangatawan ko.

“Dapat maging laging malakas. Huwag magpabaya. Kaya ayun, pinapangalagaan ko ang aking pangangatawan,” pagbabahagi ng model-actor.

Tinanong naman si Vice kung ano ang naging impluwensiya ni Ion sa kanya when it comes to his health, “Ang laki! Kasi nga, I have been unhealthy. My lifestyle is so unhealthy. I sleep so late.

“I used to eat unhealthy food. I used to really stress myself. I used to overwork myself. Sobrang unhealthy talaga siya. Pero noong dumating siya [Ion], nakikita niya kung ano ang ginagawa ko sa mundo ko, sa sarili ko, sa kalusugan ko.

“And he was so seriously concerned about it. So, kinakausap niya ako. Hindi niya lang ako basta kinakausap. Ginagawa niya tapos nakikita ko, tapos ako mismo, nahihiya.

“Ako yung nahihiya. Tapos, nakikita ko kung paano siya kumakain, kung ano yung kinakain niya. Nu’ng simula, pinapanood ko lang siya pero I admired him since then. Pero hindi ko naman siya sinasabayan.

“Hanggang sa umabot na siya ng ano, ‘Kailangang itigil mo na yang ginagawa mo. Itigil mo na yang pagkain mo ng sobrang baboy, sobrang prito, sobrang mantika! Ang lakas-lakas mong magkanin!’

“Tapos, he brought me to the gym. Oo, noong mga panahong nagkukubli pa kami, noong hindi pa open ang relationship namin.

“Kapag nasa ibang bansa kami, I used to go to the gym with him. Sabi niya, ‘Hindi mo kinakailangang mag-weightlift or ano. Maglakad ka lang sa treadmill.’ Habang nagbububuhat siya, pipindutin niya yung treadmill, tapos maglalakad lang ako doon.

“Tapos, bumili siya ng treadmill noong pandemic. May treadmill kasi sa bahay. So, sabi niya, ‘Kailangan dalawa yung treadmill para sabay tayo.’ Bumili siya ng treadmill para sabay kaming nagte-treadmill noong pandemic. Tapos, pinag-box din niya ako. Lahat!

“Tapos, ine-encourage niya ako sa mga physical activities. Tapos, hindi niya lang ako na-convince mag-bike. Tinray niya isang beses, nasa Clark kami. Pinagbisikleta niya ako doon. Wala pang 10 minutes, ayoko na!

“Sabi ko, ‘Mamamatay ako! Mamamatay ako! Mamamatay ako!’ So, buti na lang, may nagpahiram sa akin ng electric bike para nasabayan ko siya. At least, ‘Dito, sige masasabayan kita pero wala akong nararamdamang hirap.’

“Pero yung totoong bike, yung paakyat pa lang, one inch lang yata ang inangat ng lupang iyon, hindi ko na kaya, mamamatay ako talaga,” natatawang chika pa ni Vice.

Pagpapatuloy niya, “Tapos, ayun nga, he has always been reminding me to take care of myself because it is a fact na we are not getting any younger, di ba?

“Every single day, tumatanda tayo nang tumatanda, yung panahon at yung edad natin. Pero may paraan para mapanatili nating malusog at maganda yung sarili natin.

“Sobra niyang vain, sobra niyang vain. Yes, probinsiyano siya, pero alam niya kung ano yung tamang pamamaraan para alagaan yung sarili niya. Malinis siya sa katawan. Malusog siya.

“So, kung yung partner mo, ganoon, nakikita mo at ang ganda-ganda ng epekto sa kanya, lalo pa sa edad namin, mas matanda sa kanya nang very light… nang very light.

“So, ayoko namang maging evident yon na pag nakikita kaming dalawa, mukha akong tiyahin.

“At hindi naman lahat, nadadaan sa make-up. Ibang bagay din talaga yung malusog ang pangangatawan mo at malusog yung kalooban mo at masaya ang puso mo.

“Yun ang impluwensiyang ibinigay niya sa akin. Binigyan niya ng kapayapaan at kaligayahan ang puso ko. At iyon ang lalong nakapagpabata sa akin,” aniya pa.

The post Vice Ganda suko agad sa hamon ni Ion Perez: Ayoko na! Mamamatay ako! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments