Responsive Ad

Any Name’s Okay naglabas ng bagong hugot song, tungkol sa pag-ibig at tampuhan

Any Name's Okay naglabas ng bagong hugot song, tungkol sa pag-ibig at tampuhan
PHOTO: Courtesy of Sony Music/Ely Dagli

MAPAPAKINGGAN na ang latest hugot song ng bandang Any Name’s Okay!

Ito ang kanilang single na ‘Sungit’ na nagpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay buhay, tunay, at nakikilala kahit sa mga imperpektong sandali.

Ang bagong release ay kasama sa kanilang unang full-length album na nakatakdang ilabas sa taong 2026.

Ayon sa isang pahayag, ang kantang ay naglalarawan ng isang “mature” na pag-ibig at relasyon.

Baka Bet Mo: Any Name’s Okay 8 years na, may pasabog na concert at bagong single na ‘Sungit’

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/QLKlkinewCg?si=uvHTCgny0VEAKet2" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

“This song takes such a common Filipino word, and plays around with all the complex feelings that surround it. It is meant to be a snapshot of what a ‘mature’ love and relationship is–it’s never perfect, or nicely pleated. There is something so comforting about that,” sey ng quintet.

Dagdag pa nila, “We always try to root our songs in a youthful, hopeful heart.”

Ang ‘Sungit’ ay isang masayang paalala na kahit gaano pa kaliit ang tampuhan, biro, at bangayan, babalik ka rin sa piling ng taong mahal mo. 

Sa katunayan, ang maliliit na hindi pagkakaintindihan na ito ang nagpapatibay sa relasyon. 

Pwede nang i-stream ang ‘Sungit’ sa paborito mong music platforms, at i-follow ang Any Name’s Okay sa lahat ng social media para sa updates at shows.

Simula 2017, ang 5-piece group sa ilalim ng Sony Music Philippines ay lumilikha ng alternative pop tunes na tungkol sa puso, pangarap, at kaunting kalokohan.

Bukod sa pagiging crowd favorites, sila rin ay 9-time Awit Award nominees na may pagkilala sa Album of the Year, Song of the Year, at Best Group Performance.

Kabilang sa kanilang mga fan-favorite singles ang “Clouds,” “Yugto,” at “Vivid,” pati na rin ang dalawang compilation albums na “All I Feel and See” at “Leaving Home.”

Ang banda ay binubuo nina Sofia Abrogar (vocals), Renzo Lumanog (rhythm guitar at vocals), Juan Lada (bass), Arvin Olete (drums), at Anton Atienza (lead guitar).

The post Any Name’s Okay naglabas ng bagong hugot song, tungkol sa pag-ibig at tampuhan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments