Vice Ganda, Ion Perez nag-celebrate ng 7th anniv; binalikan ‘icing scandal’
BINALIKAN ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez ang pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan nila bilang magkarelasyon.
Nangyari ito sa pagdiriwang ng kanilang 7th anniversary bilang magdyowa kung saan inalala nila ang viral “cake/icing” scandal sa “It’s Showtime” na kanilang kinasangkutan noong 2023.
Mapapanood ito sa latest YouTube vlog ng Phenomenal Box-office Star Unkabogable kasama ang kanyang asawang si Ion.
Ayon kay Ion, talagang inatake siya noon ng matinding depression at gusto na sanang magpaalam at mag-resign sa “It’s Showtime.”
“May time nga sabi ko sa kanya ayoko na, eh. Gusto ko na sanang magpaalam sana no’n, ayoko na, kasi wala naman talaga kaming ginawa, ‘di ba? Pero kung mapanghusgahan ka ng tao, parang…” ang nabiting pahayag ni Ion.
Sey naman ni Vice, “Sobrang bigat nu’ng challenge na ‘yun. ‘Yun ‘yung time na kailangan namin iparamdam sa isa’t isa na ‘magkakampi tayo. Hindi pwedeng hindi sabay maka-recover. Kailangan sabay tayong maka-recover.’
“Kasi sabay kaming nasaktan, sinaktan, hinusgahan. Kaya kailangan magsuportahan kaming dalawa. Eh, at that time pareho kaming nakaramdam ng panghihina kasi nasaktan kami. Ang unfair,” saad pa ng komedyante.
Sabi pa ni Ion, nawalan na siya ng interes that time sa lahat ng bagay, “Ayoko nang lumabas ng bahay, gusto ko sa loob na lang, nawalan na ako ng interes sa pagba-bike, sa pagmo-motor.
“Wala na sa oras ‘yung kain namin, wala na sa oras ‘yung tulog namin,” pag-amin pa niya.
Sabi naman ni Vice, “’Di ba nga sabi nila parang kailangan daw magkasama kayo para kung mahina ang isa, ikaw ang magiging lakas niya.
“Hindi ‘yun ang nangyari noong panahon na ‘yun kasi walang malakas sa amin at that moment. So, we chose to stay weak together.”
Hanggang sa magdesisyon na nga sila na magpa-therapy na talagang nakatulong para muling makabangon at ma-enjoy uli ang buhay.
Sabi ni Vice, after ng ilang sessions ng kanilang therapy ay mas lalo raw naging splid ang relasyon nila ni Ion at mas napatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
Samantala, ang “authenticity, sincerity, and sensitivity” daw ni Ion kung bakit naniniwala siyang isa itong totoong ideal partner.
“Tatanungin niya, ‘Happy ka pa ba?’ He will always make sure na happy ako at okay kami. I think that’s very important lalo na kung matagal na kayo na masyado na kayong relaxed.
“Sa sobrang relaxed n’yo sa isa’t isa, hindi na kayo sensitive or hindi n’yo na tina-try malaman kung okay pa ba kayo kasi feeling mo okay na.
“Wala na kaming kailangang patunayan sa isa’t isa. At hindi namin kailangang magpakapeke para ma-impress ang isa’t isa. ‘Yung totoong pagkatao namin, ‘yun ang gusto namin. Ang simple-simple lang namin sa bahay,” pahayag pa ni Vice.
Promise pa ni Vice sa kanyang asawa, “I have decided to stick with this man for the rest of my life. I have decided to love this guy for the rest of my life.”
The post Vice Ganda, Ion Perez nag-celebrate ng 7th anniv; binalikan ‘icing scandal’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments