Responsive Ad

Tito Sotto inamin kakausapin si ex-House Speaker Martin Romualdez

Tito Sotto inamin kakausapin si ex-House Speaker Martin Romualdez

INAMIN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na makikipag-usap siya kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga maaanomalyang flood-control projects.

“Well, nakapagpa-setup na ako ng meeting. It might be later or tomorrow. Basta within the next few days we will be able to talk,” sabi ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na ang pakikipag-usap niya kay Romualdez ay ipinaalala sa kanya ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, na nagbalik na pinuno ng nabanggit na komite.

Partikular na binanggit ni Sotto na pag-uusapan nila ni Romualdez ang planong imbitahan ito sa Senado para humarap sa pagdinig kasama si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Baka Bet Mo: Tito Sotto binuweltahan batang kongresista ng Cavite

Nilinaw ng senador na hindi pa kumpirmado ang pagdalo ni Romualdez sa pagdinig na posibleng maganap sa Nobyembre 14.

“Para maimbita, ma-formalize ‘yung imbitasyon. Pero wala pa naman eh. Wala pang malinaw basta’t merong mga initiative para makausap siya para maimbita,” dagdag pa ni Sotto.

The post Tito Sotto inamin kakausapin si ex-House Speaker Martin Romualdez appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments