Responsive Ad

Randy ayaw makialam sa pasabog ni Mommy Inday, dumepensa kay Raymart

Randy ayaw makialam sa pasabog ni Mommy Inday, dumepensa kay Raymart
Randy Santiago, Inday Barretto, Raymart Santiago

“SIYEMPRE, wala! Nandoon ako sa loob (Kapamilya), so, I would know as a Kuya, ako na lang ang inaasahan (magtanggol). My mom’s (Cielito Legaspi) gone, my dad’s (Pablo Santiago) gone.”

Ito ang bungad ni Randy Santiago nang tanungin siya ni TV5 reporter MJ Marfori tungkol sa mga sinabi ni Mrs. Inday Barretto sa panayam nito kay Ogie Diaz.

Maraming pinagsasabi si Mommy Inday tungkol sa dati niyang manugang na si Raymart bagay na pinasinungalingan ng kuya Randy niya.

“Kung gusto kong magsalita, magsasalita ako, eh. But I chose not to. Kung baga problema nila (Claudine Barretto at Raymart), they will solve it,” saad ni Randy.

Baka Bet Mo: Marjorie Barretto umalma, nilaglag si Mommy Inday: False, unfair, destructive

Kinailangan na raw magbigay ng statement si Raymart kaya sinagot nito ang paratang sa kanya ng dati niyang mother-in-law.

“May mga lawyers siya kaya sila-sila ang nag-uusap. But on our end, yakap lang kami. Eventually magsasalita ‘sila’ ‘yung magkakapatid (Barrettos). Alam mo naman may Marjorie, meron kang Gretchen, eventually they will talk,” sey ni Randy.

Pero ang Santiago siblings ay hindi raw magsasalita, “Alam namin ‘yung kinalalagyan namin,  masyado kaming kampante sa pag-uugali namin, mas kilala namin ang sarili namin.”

Sinigurado naman ng oldest brother ni Raymart na doing okay siya sa kabila ng mga nangyayari.

“He’s good, medyo very touchy (ang issue) mas magandang maayos nila. Very supportive ang buong pamilya (Santiago). It’s a matter of who you listen to at tsaka kung sino ‘yung pinaniniwalaan mo,” diin ni Randy.

Inamin ng TV host na masakit daw ang mga paratang sa bunsong kapatid nilang lalaki pero at lahat silang pamilya ay nasaktan pero mas pinili nila talagang hindi mag-ingay o magsalita.

Ang pakiusap lang ni Randy sa netizens/fans, “Sana kung ano ang pagkakilala ninyo kay Raymart ay iyon na lang daw sana ang paniwalaan at hindi sa mga hearsay-hearsay lang.

The post Randy ayaw makialam sa pasabog ni Mommy Inday, dumepensa kay Raymart appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments