Ely Buendia pumalag na rin sa malalang korapsyon sa Pilipinas

NAGLABAS na rin ng kanyang saloobin tungkol sa isyu ng korapsyon sa Pilipinas kaugnay ng flood control projects ang singer-songwriter na si Ely Buendia.
Sa kanyang naging panayam sa ABS-CBN News, sinabi niya na umaasa siya na magkakaroon rin ng hustisya ang sambayanan sa mga nangyayari.
“It’s an injustice to the people, especially to the taxpayers, I’m included din, I pay my taxes. So yeah, it’s a shame,” saad ni Ely.
Pagpapatuloy pa niya, “So I hope that there will be justice for the people. That’s all I can say.”
Baka Bet Mo: Ely Buendia pinalagan ang ‘pangongopya’ raw sa Eraserheads medley’
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may kilalang personalidad gaya ni Ely ang nagsalita na matapos matuklasan ang bilyong-bilyong halaga ng mga maanomalyang flood control projects.
Nauna na ring maglabas ng saloobin sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Bianca Gonzalez, Pokwang, Vice Ganda, at marami pang iba.
Nauna na ring isiniwalat ni former Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan na mga ghost projects umano ang ilan sa flood control na ipinagkaloob sa Wawao Builders, Inc sa Bulacan na umabot umano sa ₱5.9 bilyon ang halaga ng kontratang ibinigay sa Wawao.
The post Ely Buendia pumalag na rin sa malalang korapsyon sa Pilipinas appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments