Responsive Ad

#SerbisyoBandera: ‘Learn and Grow’ may libreng skills training para sa kabataan

#SerbisyoBandera: ‘Learn and Grow’ may libreng skills training para sa kabataan

SA panahon ngayon, hindi biro ang hamon ng kabataan sa paghahanap ng trabaho at oportunidad. 

Sa dami ng kabataang Pinoy na gustong magtagumpay, marami pa rin ang kulang sa access sa tamang training at suporta. 

Pero heto na ang isang magandang balita: may programang handang tumulong para itulak sila tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!

Kamakailan, opisyal nang nilagdaan ang isang kasunduan para suportahan ang Learn and Grow vocational training program ng Good Neighbors International Philippines, sa pakikipagtulungan ng LG Electronics Philippines.

Layunin nitong bigyan ng hands-on training ang mga kabataang tinatawag na “Care Leavers,” mga dating beneficiary ng sponsorship programs na ngayon ay kailangang maging independent at handa para sa totoong mundo.

Baka Bet Mo: Zephanie, NEW:ID nagpasiklab sa ‘Pop Goes Boom’ party; K-Pop Dance Challenge pasabog

Sa ilalim ng programang ito, tinuturuan sila ng praktikal na kasanayan gaya ng refrigeration at air conditioning (RAC) servicing, isang skill na mataas ang demand sa bansa lalo na’t patuloy ang paglago ng turismo at mainit na klima sa Pilipinas. 

Parte rin ng nasabing kasunduan ang donasyon ng LG na nasa P1.2 million para sa mga kagamitan, training assistance, at iba pang kailangan ng mga estudyante sa programa.

Present sa signing ceremony sina Mr. Nakhyun Seong, Managing Director of LG Philippines; Mr. Hongseok Chang, Chief Financial Officer of LG Philippines; Mr. Jaechoon Lee, Country Director of Good Neighbors Philippines; Ms. Visitacion Apostol, Senior Manager of Good Neighbors Philippines; Mr. Mark Gerald Paner, Social Development Division Manager of Good Neighbors Philippines; Ms. Maria Julia Orcullo, Field Manager of Good Neighbors Philippines; at Ms. Aimee Jill Fernando, Communication Manager of Good Neighbors Philippines. 

Isipin mo, mula Enero hanggang Oktubre last year, nasa halos 4.9 milyon na turista ang bumisita sa bansa –kaya’t talagang kailangan ng mga eksperto sa aircon at ref!

Pero higit pa sa teknikal na training, ang Learn and Grow ay nagbibigay ng kumpiyansa at mindset para sa mga kabataan na bumuo ng sariling landas. 

Sabi nga ni Mr. Nakhyun Seong, Managing Director ng LG Electronics Philippines: “We are proud to be part of an initiative that empowers young Filipinos with skills, opens doors to new opportunities, and contributes to nation-building by helping shape a stronger, self-reliant generation.”

Ganito rin ang pasasalamat ni Mr. Jaechoon Lee, Country Director ng Good Neighbors Philippines: “We truly value the trust and support… Together, we hope to develop more inclusive CSR initiatives that create meaningful and measurable impact for marginalized communities in the Philippines.”

Isa itong hakbang na hindi lang basta donasyon, kundi pamumuhunan para sa kinabukasan ng kabataan at ng buong bayan. 

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, mas nagiging posible para sa mga kabataan mula sa komunidad ng San Isidro, Rodriguez, Rizal at iba pang lugar na kulang sa oportunidad, na magkaroon ng matibay na pundasyon para sa kanilang mga pangarap.

Para sa mga hindi aware, ang Good Neighbors ay isang international humanitarian aid and development NGO na itinatag sa South Korea noong 1991.

Aktibo sila sa Pilipinas mula pa noong 2008 at aabout sa 9,000 ang sinusuportahan nilang kabataan nationwide, kung saan ang focus nila ay child protection, education, at youth empowerment. 

The post #SerbisyoBandera: ‘Learn and Grow’ may libreng skills training para sa kabataan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments