Responsive Ad

Ramon Ang sa real score ng anak na si Jacob kay Atasha Muhlach: ‘Magkaibigan sila!’

Ramon Ang sa real score ng anak na si Jacob kay Atasha Muhlach: 'Magkaibigan sila!'
PHOTO: Screengrab from TikTok

DAHIL sa kaliwa’t kanang nababasa namin tungkol kina Atasha Muhlach at Jacob Ang, nagtanong na kami sa daddy ng aktres na si Aga Muhlach kung nanliligaw nga ba sa dalaga ang bunsong anak ng presidente at CEO ng San Miguel Corporation (SMC) na si Ginoong Ramon Ang.

Ni-seen lang ni Aga ang mensahe namin sa kanya sa Instagram at FB messenger na ibig sabihin ay ayaw niyang sagutin ang tanong namin.

Sa pagkakakilala namin kay Aga, kapag hindi siya involved ay hindi siya nagsasalita more or less sasabihan lang ay, “Tanungin mo nang direkta.”

Anyway, muling nakitang kasama ng Muhlach family si Jacob o Jake to his family sa isang pagtitipon na feeling namin ay advance celebration ito ni Aga dahil kaarawan niya sa darating na August 12 at edad 56 na siya.

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach bumalik para sa 46th anniv ng Eat Bulaga: I super love you all!

Base sa larawang inilabas ng showbiz website na Fashion Pulis, nasa likod ni Tash si Jacob at wala kaming ideya kung magkahawak sila ng kamay dahil natatakpan nang dalawa nilang katabi.

Medyo curious lang kami kasi bakit nasa likod ng dalaga ang binata?

Pero klinaro naman ito ng tatay ni Jacob na si RSA (Ramon S. Ang) na magkaibigan lang ang anak niya at si Atasha na puring-puri niya nang makausap siya ng media sa ginanap na mediacon para sa pagresolba ng baha sa Metro Manila.

Sey ni Ginoong Ang, “Si Atasha is a very nice lady, napakabait at napakaganda sobra. Kaibigan ng anak kong si Jacob.”

Inisip namin na baka nga kaibigan lang ni Tash si Jacob dahil pareho silang naglalaro ng golf.

Nagsimulang ma-tsismis ang dalawa nang napansin ng netizens na nila-like lagi ni Jacob ang mga posts ni Atasha at nire-repost din minsan.

Parehong pina-follow nina Andres Muhlach at Tasha si Jacob sa Instagram at gayun din ang binata na pina-follow din niya.

Well, lalabas din naman ang totoo kung ano ang tunay na relasyon nina Atasha at Jacob.

The post Ramon Ang sa real score ng anak na si Jacob kay Atasha Muhlach: ‘Magkaibigan sila!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments