Bato dela Rosa muling ilalaban sa Senado ang pagbalik ng death penalty

ANG pagbabalik sa “death penalty” sa Pilipinas ang muling ipaglalaban ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpapatuloy ng termino niya sa Senado.
Naniniwala si Bato na mas magiging matindi at solid ang kampanya ng gobyerno kontra ilegal na droga kapag naisabatas uli ang parusang kamatayan.
Base sa press release na inilabas ng kampo ng senador, sinabi nito na bahagi raw ang pagsusulong ng pagsasabatas ng death penalty para sa mga naging biktima ng krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga.
“This bill has become more than a campaign promise or a legal stand, but the realization of our commitment to those families left behind by the victims of crimes involving drugs,” pahayag ni Dela Rosa.
Paliwanag pa ng senador at kilalang kaalyado ng pamilya Duterte, “It is our declaration of war against drugs that has destroyed our country have caused violence, and national insecurity.”
Samantala, bukod sa pagsusulong sa naturang panukalang-batas, nais din ni Bato na muling maisabatas ang pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at ang pag-amyenda sa Party-list System Act.
Isusulong din ng kontrobersyal na senador ang pagbabawal sa mga party-list representatives na may konek sa mga mga makakaliwang grupo.
Isa ang senador sa mga personalidad na inuugnay sa mga komunistang grupo ang mga mga party-list representative ng Makabayan bloc tulad ng Kabataan Partylist, ACT Teachers, Gabriela at Akbayan.
“It is my hope that the Senate will give utmost importance to the bills I filed. The measures are aimed to address the pressing needs of our country as a whole,” ang pahayag pa ni Bato dela Rosa.
The post Bato dela Rosa muling ilalaban sa Senado ang pagbalik ng death penalty appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments