Sintunado sa videoke pinagtataga sa inuman, patay!

SINTUNADO ka ba at malakas ang boses kapag kumakanta sa videoke? Naku, mag-ingat at baka matulad sa isang lalaki na napatay sa isang inuman.
Naging madugo at nauwi sa krimen ang inuman ng ilang lalaki sa Sitio Banban, Barangay Looc, Villanueva, Misamis Oriental kamakailan.
Ito’y matapos na gilitan sa leeg ng suspek ang kanyang kaibigan nang maingayan sa pagkanta ng biktima habang nagbi-videoke.
Sa inisyal na pagsisiyasat, ilang beses na raw sinaway ang biktima sa kanyang pagkanta dahil sa mali-mali raw ang tono nito na ikinagalit ng suspek.
Ayon pa sa teport ng Villanueva Municipal Police Station, sinabi ng suspek na nawalan siya ng kontrol at ginilitan ang biktima habang kumakanta gamit ang iisang karit.
Nagtamo ng taga sa ulo, leeg at likod ang biktima na agad nitong ikinasawi.
Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek at inamin ang nagawang krimen. Sasampahan siya ng mga kaukulang kaso.
The post Sintunado sa videoke pinagtataga sa inuman, patay! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments