‘Radio Optimism’ campaign inarangkada para sa tunay na koneksyon, gamit ang musika

SA panahon ng likes, reacts, at double taps, may bagong pakulo upang maibalik ang tunay na koneksyon sa pagitan nating lahat!
Ito’y sa pamamagitan ng “Radio Optimism” campaign na inilunsad ng isang kilalang tech company para paalalahanan tayo na “Life’s Good,” lalo na kung may ka-share ka ng kanta, alaala, at konting kilig.
Sa halip na puro “seen” sa chat o “ghosting” sa DM, gustong ibalik ng nasabing campaign ang kahalagahan ng tunay na relasyon –‘yung may lalim, hindi lang online presence.
At paano? Sa pamamagitan ng musika, ang universal language ng puso!
Baka Bet Mo: ‘The Itchyworms’ musical posible kayang mangyari?
Sey ni Kim Hyo-eun, head ng Brand Management Division ng kompanya: “As technology advances, meaningful human connections become increasingly vital to enrich our lives. LG continues its commitment to bringing optimism into customers’ daily lives, staying true to our enduring brand promise of ‘Life’s Good’.”
Hindi lang ito isang simpleng playlist na makikita sa Radio Optimism website, pwedeng gumawa ng sariling kanta gamit ang AI.
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, sariling komposisyon ang pwede mong magawa basta ibigay mo lang ang gusto mong mensahe o vibe at bahala na ang AI na buuin ang tunog ng damdamin mo.
Pwede mo itong ipadala sa kaibigan, jowa, pamilya, o kahit crush na hindi mo pa nakakausap in real life.
May datos ding lumabas mula sa global survey ng kompanya ng kung saan 68% ng mga tao ang hirap makahanap ng tunay na kaibigan.
Bukod diyan, may isa lang o wala pa ngang nabubuong meaningful connection sa mga nakaraang buwan, at 8% ay sad to say, totally zero.
Ayon sa psychologist na si Jean M. Twenge ng San Diego State University, masaya ang taong may malalim na koneksyon.
“Yet today, many people are spending more time online and less time connecting in person. Social media in particular tends to create shallow relationships rather than the deep connections people need. It’s common for people to have hundreds of followers but no one to talk to in real life if they need support,” paliwanag niya.
Giit ni Jean, “We need to build more meaningful connections with those around us. That might turn around the pronounced decline in happiness that’s occurred over the last decade.”
Kaya tamang-tama ang timing ng Radio Optimism na nagsisilbing isang digital hug at isang tugtuging paalala na hindi pa huli ang lahat para mag-reconnect sa sarili, sa kaibigan, o kahit na sino pa ‘yan.
Maaaring i-access ang kampanya sa RadioOptimism.lg.com at available na ito sa English at Spanish, at coming soon din sa iba pang wika para mas maraming makasali.
The post ‘Radio Optimism’ campaign inarangkada para sa tunay na koneksyon, gamit ang musika appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments