Responsive Ad

Rendon kinastigo si Zac Alviz dahil sa ‘condo’ post habang bumabaha

Rendon kinastigo si Zac Alviz dahil sa 'condo' post habang bumabaha
Zac Alviz at Rendon Labador

NA-BAD trip ang palabang social media personality na si Rendon Labador sa isang content creator na nag-flex ng nabili niyang condo unit.

Tila kumulo ang dugo ng motivational speaker at fitness coach sa vlogger na si Zac Alviz dahil sa umano’y “insensitive” post nito sa gitna ng kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa isang social media post kasi ni Zac nitong Martes, July 22, ibinahagi niya sa publiko ang benefits ng pagbili condominium sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Post ni Zac, “In moments like this, dun mo masasabi na worth it yung condo investments mo. Ang daming binabaha, may tulo sa kisame, lumilipad yung bubong.

“Pero pag high-quality condo, in most cases, sara mo lang bintana mo, okay ka na. Resume Netflix na ulit,” ang sabi pa niya.

Maraming netizens ang sumang-ayon sa content creator pero may mga umalma din at nagsabing napaka-insensitive raw ng kanyang post dahil napakaraming nasalanta ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga probinsya sa Luzon.

Isa na nga sa nambengga sa kanya ay si Rendon. Ni-repost nito ang paandar ni Zac sa kanyang Facebook page at nagkomento.

Patama ni Rendon sa vlogger, “Napaka angas mo naman, edi ikaw na naka condo Sa susunod nga bago kayo mag angas saakin siguro mag pa facial muna kayo‍.” 

Narito ang comments ng mga FB followers ni Rendon sa pagbanat niya kay Zac.

“Mejo insensitive c koya. Dina man lahat ng tao gugustuhin sa condo khit kaya naman iba pdin ung may sarili kang lupa. Saka at times like this na maraming nsalanta sana dina sya nag compare pa.”

“Condo daw better? Eh bakit ang daming units ngayon bakante?”

“Hindi rin kasi lahat ng binili, tinirhan. Bahay pa rin may lupa, may long term value, at may sariling parking space pa, 

libre pa. Mindset ba.”

“Pag inggit pikit  deserve nya kaya un condo unit tagal nagtiis mag ofw nung tao. Hayaan nyo na be positive na lang at maging masaya sa na achieve ng kapwa na galing sa pinagpaguran nya. I condemn naten un mga magnanakaw sa gobyerno na nagpasasa sa pondo sa Flood control projects na nasaan na nga ba? Anyare?”

“Ang insensitive mo sa part na yun kuya. sana sinarili mo nalang yang opinyon mo, lalo na ngayon madami pong binaha. mag thank you ka po kay Lord na may condo ka.”

“Sana ol nka condo..tingnan ntin pg lumindol qng yng gumuho n condo mo.”

“Daming galit n galit. Wala namang masamang sinabi ang tao eh, sa isang banda pag dating sa baha safe na safe talaga nasa condo.. yun lang naman ang point dahil puro baha ngayung tag ulan. Dami laging mababait at perfect.”

“Walang pakialam sa taong nakararanas ng kalamidad. bago sana mag poat at ipagyabang… matuto muna mag malasakit sa kapwa. kung hindi kaya manahimik nalang at sarilihin ang buhay na meron ka.”

The post Rendon kinastigo si Zac Alviz dahil sa ‘condo’ post habang bumabaha appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments