Responsive Ad

Ka-face nina Marian, Robin lumantad: Wala kaming masamang intensyon

Kamukha nina Marian, Robin lumantad: Wala kaming masamang intensyon
Maribeth Belongilot at Steven Lee Anino

HUMINGI ng paumanhin ang isang tindera ng isda sa palengke at ihaw-ihaw vendor kina Sen. Robin Padilla at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera

Ito’y matapos ngang mag-viral ang kanilang mga vlog sa social media kung saan maraming naniwala na ka-face at ka-lookalike nila sina Robin at Marian.

Parehong taga-Cebu sina Maribeth Belongilot at Steven Lee Anino na parehong nagtitinda sa palengke. Sa mga video na ina-upload nila sa socmed ay talaga namang kamukhang-kamukha nila sina Robin at Marian.

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” last Sunday, itinampok ang dalawang content creator kung saan nagpaliwanag nga sila kung paano nila naging ka-lookalike ang actor-politician at ang misis ni Dingdong Dantes.

Sabi ni Maribeth, may hawig naman daw talaga siya kay Marian, lalo na sa hugis ng mukha at maputi at makinis na balat.

Aniya, talaga raw lumaki ang kanyang kita sa pagbebenta ng isda mula nang mag-viral ang mga video sa pagiging kamukha ni Marian.

Ganito rin daw ang nangyari kay Steven, tumaas ang benta niya sa pagtitinda ng ihaw-ihaw nang mag-trending ang mga video niya kung saan napansin ng netizens na ka-face niya si Robin. 

Feel na feel daw niya kapag tinatawag siyang “idol” ng kanyang mga kaibigan pati na ng mga taong bumibili sa kanyang mga tinda.

Dahil dito, mas ginanahan daw siyang  gumawa nang gumawa ng content sa socmed.

Pero sa panayam ng “KMJS”, inamin nga nina Maribeth at Steven, na ang mga video na kanilang ina-upload ay produkto ng filter at AI o artificial intelligence na isang app sa cellphone.

Sa ilang click lang sa gamit na smart phone ay pwede mo nang maging kamukha ang isang celebrity. Kaya naman nagpaalala ang mga otoridad at eksperto na nakababahala ang ganitong sistema kaya mag-ingat din ang lahat ng gagaya mina Maribeth at Steven.

Ipinakita rim sa naturang programa ang tunay na itsura ng dalawang vlogger na medyo malayo nga naman sa face nina Robin at Marian.

Sabi ni Maribeth, “Wala po kaming masamang intensyon sa paggamit ng AI. Yung sa amin lang po is katuwaan lang.”

The post Ka-face nina Marian, Robin lumantad: Wala kaming masamang intensyon appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments