Responsive Ad

Jake Cuenca nakipagputukan nang naka-briefs; tinalbugan si Maris Racal

Jake Cuenca nakipagputukan nang naka-briefs; tinalbugan si Maris Racal
Jake Cuenca at Maris Racal

IBANG klase talaga ang katapangan ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca! Imagine, nakipagbakbakan siya sa “FPJ’s Batang Quiapo” na naka-underwear lang!?

Yes! Pinagpipiyestahan ngayon ng mga beki ang video clip ng isang maaksyong eksena ni Jake sa hit series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Base sa napanood naming action scene sa latest episode ng naturang action-drama series, walang keber na nakipagputukan ng baril ang premyadong aktor sa naturang eksena.

Pero ang “plot twist”,nakahubad lamang si Jake sa eksena at ang tanging suot lang niya habang nakikipagbarilan kay Ronwaldo Martin (kapatid ni Coco) ay puting briefs. 

Sa naturang episode, sumugod sa bahay ni Miguelito (Jake) si Santino (Ronwaldo) matapos nadiskubre na ito ang pumatay sa kapatid niyang si David, na ginampanan ni McCoy De Leon.

Nais nitong patayin si Miguelito para maipaghiganti ang kamatayan ng kapatid.

Naloka naman nang bonggang-bongga ang mga manonood sa pasabog ni Jake sa naturang eksena, lalo na ang mga bading na nakatutok sa “Batang Quiapo.”

Marami ang nagkomento na hindi raw nagpatalbog si Jake sa eksena naman ni Maris Racal sa “Incognito” kung saan nagtatakbo ang aktres sa isang eksena habang naka-panty at bra lang.

Sa isang panayam, sinabi ni Jake na napaka-challenging ng role niya bilang Miguelito, “To be quite honest, this role has a lot of firsts for me. This is my first time doing it sober, so I’m really absorbing everything. It’s like I’m starting all over again.”

“All the bad guy roles I’ve done are obsolete. I don’t act like that anymore. Given that this opportunity is really big, I’m so excited to show what I’ve learned [in the coming days], as well as the knowledge I’ve had through the years,” aniya.

Sa tanong kung hindi ba siya napapagod at nagsasawa sa pagganap na kontrabida, hindi raw dahil enjoy siya sa pagiging “bad guy.”

Paglalarawan pa niya kay Miguelito crazy, “It’s a bit psychotic, portraying him is like my version of ‘American Psycho.’” 

The post Jake Cuenca nakipagputukan nang naka-briefs; tinalbugan si Maris Racal appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments