Pokwang kay Fyang Smith: Please ‘wag muna magyabang, bad yan

MATINDING pamba-bash ang inabot ng Kapamilya star at “Pinoy Big Brother Gen 11” Big Winner na si Fyang Smith dahil sa naging pahayag nito tungkol sa katatapos lamang na “PBB Celebrity Collab Edition.”
Nagsalita kasi ang singer-actress sa panayam sa kanya ng “Circle of Stars” na wala raw makakatalo sa batch nila sa iconic reality show na “PBB”.
Napanood ang “PBB Gen 11” last year at ito ngang “Celebrity Collab Edition” ang sumunod sa kanila na kauna-unahang collab naman ng ABS-CBN at GMA 7 sa pagpo-produce ng reality show.
Maraming netizens ang nag-react sa sinasabing video ni Fyang dahil nga mayabang at maangas daw ang naging dating sa mga nakapanood.
Pero ang paliwanag ng kampo ni Fyang, isang “spliced video” ang nag-viral sa social media at joke-joke-joke lang daw ang sinabi niyang walang makakatalo sa batch nila.
Ang buong pahayag ni Fyang, “Alam mo, kahit ilang batch pa ’yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello? Gen 11? Breaking… Highest… Hello?
“Hindi, joke lang! Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami ganu’n mga ugali namin,” sey ng Kapamilya singer at aktres.
Kasunod nito, marami nga ang nagkomento sa isyu ni Fyang kasama na ang naging reaksyon ng Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang.
Kumalat sa social media ang umano’y screenshot ng komento ni Pokwang mula sa kanyang verified social media account na “Marietta Subong”.
Ang mababasa sa screenshot ay, “My God iha 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto BE HUMBLE iha yan muna ang pag aralan naka ilang pbb season na ang nasaksihan ko pero iilan na lang silang active sa showbiz so iha please wag muna mag yabang bad yan.”
Bukas ang BANDERA sa magiging opisyal na pahayag nina Fyang at Pokwang hinggil sa isyung ito.
The post Pokwang kay Fyang Smith: Please ‘wag muna magyabang, bad yan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments