Memorabilia nina FPJ, Ate Guy, Billy nasa Pinoy Pawnstars Museum ni Boss Toyo

PORMAL nang binuksan ng content creator at negosyanteng si Boss Toyo ang kanyang Pinoy Pawnstars Museum na tinawag niyang “dream come true.”
Ayon kay Boss Toyo o Jayson Luzadas sa tunay na buhay, itinuturing niyang “blessing from God” ang pagpapatayo niya ng naturang museum na isa lamang pangarap noon.
Matatagpuan sa kanyang PPM ang mga memorabilia na binili niya mula sa mga kilalang personalidad na napanood ng publiko sa kanyang hit YouTube series na “Pinoy Pawnstars.”
Kabilang na nga riyan ang mga mahahalagang gamit ng mga sikat na artista at ilang mahahalagang personalidad at iconic celebrities.
“At last, ito na ‘yung isa sa mga pinapangarap namin. Nagsimula lang sa dream. Pero this is not the end magdi-dream pa ako ng mas malaki, much bigger para sa lahat,” ani Boss Toyo sa panayam ng media.
Ayon sa sikat na content creator, mahigit 500 iconic items ang matatagpuan sa kanyang museum kabilang na ang P1 million Pokémon double platinum award mula kay Billy Crawford, mga memorabilia mula sa Action King na si Fernando Poe, Jr. na nagkakahalaga ng P600,000, at mga gamit ni Superstar Nora Aunor.
Pero sey ni Boss Toyo sa nabanggit na mga memorabilia, “These are not for sale at talagang inaalagaan namin ‘to.”
Bubuksan sa publiko ang PPM sa susunod na linggo na may entrance fee na P100, “It will be open on public next week, not on this week kasi marami pa kaming mga inaayos piti yung system and everythin.
“So next week it will be open. We will publicly announce it.
“More than the show, mas mahalaga sa akin ‘yung kwento. ‘Yung kwento ng pagiging Pilipino,” aniya pa.
Samantala, special mention din ni Boss Toyo ang asawang si Mary Jhoy na talagang todo suporta sa kanyang mga proyekto.
“Super sinu-support ko siya. Actually, nung nag-umpisa kami, wala naman nagtitawala sa kanya ako lang. So sinugalan lang namin talaga to. And eto na siya,” sabi ni Mary Jhoy sa ulat ng ABS-CBN.
The post Memorabilia nina FPJ, Ate Guy, Billy nasa Pinoy Pawnstars Museum ni Boss Toyo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments