Marco Gallo ginulat ang press, fans sa biglang pagbabago ng katawan, anyare!?

SHOOKT ang members ng showbiz press at mga fans nang makita ang katawan ngayon ng aktor na si Marco Gallo.
Isa si Marco sa mga humarap sa entertainment media sa naganap na presscon ng “Vivarkada: The Ultimate Fancon And Grand Concert” nitong nagdaang Miyerkules, July 16 sa Viva Cafe, Araneta City, Cubao, Quezon City.
Nakasama niya rito ang iba pang Viva Artists Agency (VAA) talents na sina Ashtine Olviga, Rabin Angeles, Angela Muji, Hyacinth Callado, Aubrey Caraan, Nicole Omillo at marami pang iba.
Nang ipakilala nga ng host ng event si Marco Gallo ay nagulat ang marami dahil bigla ngang lumaki ang kanyang katawan – as in hunk na hunk na hunk na ang boyfriend ni Heaven Peralejo.
Nang matanong tungkol sa kanyang physical transformation, sinabi ni Marco na may konek ito sa bago niyang project. Sa katunayan kailangan din siyang magpakalbo for the role.
“Actually there is…may isang show pero hindi ko puwedeng i-disclose kung sino ang kasama.
“Hindi ako sure kung puwedeng sabihin, pero there’s a show that apparently I am playing this role na older, tapos medyo may pagka-mysterious, hindi naman psycho.
“Personally, in-ask ko kung puwedeng magpakalbo for it kasi I need to look older. So ngayon, kailangan ko magpakalbo, hence, the mustache.
“Sana matuloy kasi ang problema ko ngayon, kasi the next book [from Wattpad series] is coming.
“Soon we’re gonna be starting to shoot, probably next month or two months. So, ang problema ngayon, hindi po namin alam kung kaya kasi baka mag-overlap.
“Wala po talaga po akong choice, as in sila po yung nag-aayos ng schedule. Mukhang ang mangyayari po yata…hindi pa po sure, ha?
“Medyo naisip ko lang ito, ang feeling ko, ang mangyayari uunahin yung Univerkada series tapos next na yung other show,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Marco na regular na nagwo-workout sa gym na pag-aari ng kapwa niya aktor na si Gerald Anderson.
May mga nagsabi na pak na pak ang kanyang bortang-bortang katawan sa pagganap na superhero tulad ng “Captain Barbell” na
“Malayo pa po. Mas madami po ang malaki sa sa akin. Si Gab Lagman (kapwa Viva artist) pa lang, e, I need to catch up. Pero for sure, before the year ends, baka may papandesal na ‘ko,” pahayag ni Marco.
Samantala, siniguro ni Marco na magkakaroon sila ng bonggang production number ni Heaven sa Vivarkada fancon at concert.
“Yeah, yeah! Medyo hot nga yata, e. It’s time for me to show my shower skills to everyone. I think it’s time to show kung gaano kalambot ang katawan ko,” ang sey pa ng aktor.
Magaganap ang “Vivarkada: The Ultimate Fancon and Grand Concert Smart Araneta Coliseum sa darating na August 15, mula sa direksyon ni Paul Basinillo.
Magsasama-sama nga rito ang mga bida sa Univerkada series ng “Viva One: The Rain in España”, “Safe Skies Archer,” “Chasing in the Wild”, “Ang Mutya ng Section E.”, “Avenues of the Diamond,” “Seducing Drake Palma” at “Bad Genius, The Series.”
The post Marco Gallo ginulat ang press, fans sa biglang pagbabago ng katawan, anyare!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments