Karne ng baboy tinubuan ng daliri ng tao…truth or charot!?

NALOKA ang mga netizens nang mapanood ang viral video ng isang bahagi ng karne ng baboy na tila tinubuan ng daliri ng tao.
Pinagpiyestahan ng madlang pipol ang naturang video dahil talaga namang parang may daliri ang naturang karne with matching kuko pa.
Isang netizen na may username na @argieessen ang nag-upload nito sa TikTok at ikinuwento ang pakikipag-usap niya sa isang matadero tungkol sa kontrobersyal na piraso ng karne ng baboy.
Tinanong daw niya kung daliri ba talaga ng tao ang makikita sa viral karne at nilinaw nga nito kung bakit nagkaganu’n ang nasabing bahagi ng baboy.
“Sabi ng matadero, buntot daw. Pinuputol kapag maliit pa ang baboy kaya lumalaki nang ganyan,” esplika ng TikTok user.
Iba’t iba ang reaksyon ng mga nakapanood sa viral video at karamihan sa kanila ay naniniwalang daliri raw talaga ng tao ang tumubo sa karne.
“Kamay na ‘yan hindi na buntot kasi may kuko na.”
“Grabe na pati tao kinakarne na.”
“Feeling ko putol na daliri talaga ‘yan.”
“Bakit parang may kuku na inalis?”
“Daliri po ‘yan ng tao.”
“Ang aarte ng mga tao dito sa comsec! Karne talaga ‘yan.”
Komento naman ng uploader, naniniwala siya sa paliwanag ng matador, “Okay na, ‘wag n’yo na akng takutin.”
The post Karne ng baboy tinubuan ng daliri ng tao…truth or charot!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments