‘Miss Golf’ arestado sa ‘sextortion’, 11 monghe binembang pang-blackmail

ARESTADO ang isang babae na sangkot sa malawakang “sextortion” sa Thailand kung saan kasama sa mga nabiktima niya ay mga Buddhist monks.
Viral na ngayon ang sex scandal ng naturang babae na kinilala lamang sa tawag na “Miss Golf” sa social media kung saan mapapanood ang pakikipagtalik ng suspek sa mga monghe.
Ang monghe ay isang lalaking miyembro ng isang religious group na namumuhay nang simple na karaniwang namamanata ng celibacy o hindi pag-aasawa o pakikipagtalik.
Kadalasan ding wala silang mga ari-arian, at ang tanging sentro ng kanilang panata ay ang pagsunod sa mga kautusan ng kanilang relihiyon.
Ayon sa mga ulat, inaresto si Miss Golf matapos ang isinagawang raid sa kanyang bahay kung saan natagpuan ang mahigit 80,000 mga larawan at video na ginamit ng suspek upang takutin at hingan ng pera ang mga monghe.
Nabatid na palihim daw na kinukunan ni Miss Golf ng litrato at video ang pakikipag-sex niya sa mga monghe, upang gamiting pang-blackmail sa kanyang mga biktima.
Ayon sa mga otoridad sa Thailand, aabot sa 285 million baht o P503 million ang nakuha ng babae mula sa 11 Buddhist monk.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, inaakit daw ng suspek ang mga biktima at kapag kumagat na ang mga ito ay saka siya makikipagtalik at palihim na kinukunan ng video at litrato.
Kasunod nito, kinukuwestiyon naman ang paggamit umano ng pondo ng monasteryo na galing sa mga donasyon matapos mabuking ang insidente pati na rin ang pakikipagtalik ng mga monghe.
Ayon kay Thai Police Chief Kitrat Panphet, “Currently, there are some monks who violate the monastic discipline and commit illegal acts.
“So far, the monks who appear on the news are only a few out of more than 300,000 monks. It has nothing to do with religion. It is a personal matter that they have committed by themselves,” aniya pa.
The post ‘Miss Golf’ arestado sa ‘sextortion’, 11 monghe binembang pang-blackmail appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments